Chapter two: A K O

103 5 2
                                    

Chapter 2; A K O.

"Kyaaahh! Bestieeee! Meron narin akong ticket bwahahaha makikita ko narin ang pinakamamahal kong V."

"Wag ka Marry maingay isang linggo palang ako baka mapaalis na ko sa ingay mo, tsaka ano kaba! Akin si V akin!"

"Ay sorry bestie, so eto na may ticket na ko yiiieee. Makikita na natin sila."

Nandito sa tea shop si Marry at balak pang mag-ingay, malalagot ako nito eh. Pero totoo nga malapit na ang pinaka-inaantay kong concert, konti nalang mahahawakan ko na sila sa mismong hightouch event.

"Eh teka nga bestie, ano oras ba out mo dito? Para sabay na tayo?"

"Mamaya pa ako 6pm, pero ikaw bahala kung kaya mong mag-order ng hanggang 6 walang problema, sige na alis nako."

Grabe biruin mo nagtrabaho pa ko para lang dito? Dito sa kpop? Para sa BTS mga men! Spell mo ang pagod A K O, Spell mo nagugutom A K O, spell mo inlove A K O, at higit sa lahat spell mo excited A K O N G - A K O.

Feeling ko talaga ngayon palang ako pupunta sa concert, kaya nga kahit future ko nakasalalay hindi ako nanghinayang siguro may plano naman si god diba?

"Bestieeee! Uyyy! Si tita! Waahh! Magtago ka dali!!!" sigaw ni Marry at ako naman nataranta, anong ginagawa niya dito?

"Oh Marry iha, ikaw lang mag-isa? Nasan si mae?" narinig ko si mama.

"Ah-h e-hh tita nauna po kase ako, tama nauna po ako ang ba-agal po kase maglakad, hehe kayo po? Pano niyo nalaman tong shop na to?"

"Ah nirecommend lang ng kumare ko, magte-take lang ako, papatikim ko sakanila sige ah, pila muna ako."

"Oh! Jamae--"

"Shhh ate wag kang maingay naman eh."

Tinakpan ko yung bibig ni ate brigitte, at pabulong nagsalita. "Nandyan si madir sa labas nag-oorder, shhh ka muna ah." tinanguan niya naman ako.

Tumingin ako sa gilid ng pinto at nakita kong sumenyas sa Marry na wala na si mama kaya lumabas na kami, tinanggal ko na rin yung pagkakalagay ko sa bibig niya, alangan naman dibang forevah akong genern.

"Hala ka bestie! Alam na ni tita tong infinitea! Pano ka niyan?" Bulong niya pero mukhang hindi naman talaga bulong, narinig ni ate Brigette eh.

"Oy! Babae ka! Hindi pa tayo tapos mag-usap, ano yun hah?! Bakit ka nagtago? Sino tinaguan m--" pinutol ko na agad tanong niya.

"Ate naman sandali! Kalma lang naman! Mudra ko yun, hindi niya kase alam na nagtatrabaho ako ditech kaya eyern tago-tago ang peg." Paliwanag ko.

"Eh? Eh pano yun? Diba may parent concent na ibibigay bago ka makapasok panong--?"

"Eh kase po ate im so magaling diba? Oh sige na Marry ano sabay ka pa sakin?" Baling ko kay Marry at tumango naman siya.

Madaming customer ngayon kumpara kahapon, nagka 500 narin ako sa tip, konti nalang, push ko talaga to. HAAY!

Mga 6pm nang naglakad kami sa may bandang tulay, grabe ang sarap siguro maging isang star kitamg-kita mo lahat, kahit nasan--

'Oy babaita kita tayo sa may sainyo? Kahit mcdo lang dali na, plith?'

From; Venice the vain

Naputol ang lag-iisip ko ng nabasa ko yung text na yan, grabe biglaan naman tong babaeng to, pero sige na nga.

Ok. 6:30pm ah! Pag wala ka pa 6:31 alis na ko dun.

Nireplyan ko nalang siya at kinausap kong mauna na at wag nalang magpakita kay mama.

"Lokaaaaa! Hoy! Ano yung nabalitaan ko kay Jullie? Nagta-trabaho ka? Bakit?" May kasama pa talagang batok, to talaga si Venice.

"Oo eh, ang bilis ng balita ah! Nung isang araw lang ata yun, alam mo na agad?"

"Oo naman, so bakit nga? Narebelde ka ba?" Tanong niya.

Tinignan ko siya ng malungkot, "Alam mong masyadong mababaw yun, hayy." Nasabi ko ng may panghihinayang.

"Eh Jamaema! Ano ba kasing dahilan? Nag-aalala na kami sayo ni Alexandra."

"Eh yung pera ko kase pang tuition nagastos ko," tinignan ko yung itsira ni Venice at talalagang nga-nga, "Isara mo naman yang bunga-nga mo baka mapasukan ng langaw, eto kase may concert yung bts--"

"So nagastos mo dahil dun?!! OMAYGOSH Jamaema Omaygosh talaga! Ipagpapalit mo future mo para lang dun? Grabe ka!" Sermon na naman niya sakin.

"Teka naman Venice! Eh kase nga diba? Kaya nga ako nagtatrabaho para dun, kaya okay lang."

"Bahala ka basta mag-iingat ka, sabihin ko nalang din sa mga lokaret sige na bye." Nagbeso lang kami tapos umuwi na.

Grabe napagod talaga ako, ang daming nangyari today, gusto ko nalang matulog, hindi pa ko kumakain kaya nagugutom na ko pagdating ko nga makakain nga ak- "Ay maka kain! Ano ba yan kuya! Nakakaasar ka ha! Epal lang? Tss walang magawa."

"Hahaha that was so epic hohoho hi my little sister are you hungry?" Tinawanan lang naman ako ng kuya kong eng-eng.

"Heh! Hindi nako nagugutom! Kaasar to! Dyan kana nga! Letchonin kita dyan eh grrrrr!!!"

Umakyat ako sa taas, nakakabadtrip naman si kuya! AKO na talaga! Spell mo gutom! Pagod! Puyat! Badtrip! Lahat yan A K O!

------------------------------------------------------------------------

A/N : hi to my dear readers? Kung meron haha! Next chapter yung pic ni Jamaema hihi.

--------> Multimedia BTS :")

My kpop love story (BTS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon