Chapter 9: Dinner.
"Hi po uncle."
"Hi Uncle."
"Hello Bernard."
Pagbati namin nila mama at kuya kay uncle, grabe ang gwapo naman talaga ng tito ko, tsk. "Uncle anong sikreto mo?"
"Ha? Anong sikreto?" Slow na tanong ni tito.
"Hayy, guma-gwapo ka lalo eh, pasabi nga ng mai-apply ko kay kuya Prince yan hahaha." Joke kong sabi, tinarayan na naman ako ni kuya haha.
"Ikaw talagang bata ka, haha. Osya punta na kayo sa loob ng hotel maghahapunan na tayo ng sabay-sabay, yung kuya mo oh tignan mo matatanggal na yung eye balls."
Ganon nga ang ginawa namin, grabe ang bonggacious ng hotel! As in! Yung room namin dito, 3 king size beds. Sosyal diba? Nilapag na namin yung mga gamit sa loob ng cabinet, one week daw kami dito eh, pero its good kase may pang enroll na ako kahit installment lang.
"Grabe uncle you so elite na talaga, i cant reach you na. Pautang nga! Sosyal ng hotel oh!"
Sinamaan ako ng tingin ni mama pati ni kuya si uncle humalaklak pa, eehhh. "Ikaw talagang bata ka, kaya paborito kita eh. Hahahaha." Seriously? Ako? Paborito? Weh? Joke yun? Napa nga-nga kami nila mama kase minsan lang tumaw- erase that minsan HINDI! HINDI sya tumatawa.
"Tumatawa ka uncle? Weh? Yaman mo na talaga Uncle, pero nasan na ba ang soon-to-be Auntie ko?"
Si kuya na busy sa phone nya at si mama sa pag-aayos ng gamit ay nahinto. "Actually mamaya pag dinner na sabay-sabay nyo ng makikita."
"Sabay-sabay?! Wait Uncle? How- i mean ilan ba tayong mag di-dinner?" Oh ha! Si kuya ang cute mag tagalog, slang na slang. I secretly giggle.
"Tingin ko 20 or more?"
Sabay-sabay kami sabing, "Ha? Eh nasan sila?"
"Easy lang, nasa mga rooms, oh sige pupuntahan ko pa sila para masabihan na."
Oo nga, malapit na mag-dinner, gutom na rin ako eh, tumingin ako sa relo ko, "Mga maliligo muna ako, 7:00 palang naman eh." Paalam ko at nagsalita pa si kuya na bilisan ko daw dahil sunod sya sakin.
After kong maligo nagbihis lang ako ng simpleng black shorts and hangging blouse na medyo kita yung taba- i mean pusod ko, nagtext si Uncle na nasa may VIP food section sila, taray talaga.
"Oh Bernardo nasan na yung mga bisita? Niloloko mo ata ako eh, sabi mo 20+ kami dito?-" sabi ni mama, si Uncle at mama kase hindi sila yung katulad sa mga nababasa at napapanod nyo na magkaaway, hindi magkasundo, secret lang natin ah! Si mama at Uncle kase dating magka relasyon, mag-EX ganon.
"Oo nandyan na yun, maupo na kayo."
Ang posisyon namin nasa gilid kami si mama, kuya at ako kaya wala pa akong katabi. Maya-maya may pumasok chinito pero around 50s na, sumunod lalaki ulit na around 40s naman sumunod mga dating kaibigan nila mama at papa pati ni Uncle siguro 13 sila, at sunod isang magandang babae na koreana or Japanese? Ito ata yung asawa nya eh, mukhang bata naman.
︶︿︶
"Where is your noona?" Huh? Ano daw sabi ni tito? Unan daw ba? Grabe ang ganda nya kaso mukhang mataray, ang payat! Tignan ko si kuya nakatingin lang sa plato, problema neto?
"Geogi." Hanudaw? Pogi? Nasan? Sumang-ayon nalang si Uncle, grabe wala pa kong katabi, helloo! Wala akong ketong, naligo ako, nagdeorant at naglotion nagkuskos pa ko, kahiya naman.
Maya-maya may mga pumasok na mga lalaki na chinito, teka-teka, parang namumukhaan ko tong nasa unahan, ang sumunod ay-- "KAYO?! Anong-?" Napatayo ako sa kinauupuan ko, tek- oh my-
BINABASA MO ANG
My kpop love story (BTS)
RomansaIsa ako sa maraming taong gusto ang ganitong trabaho. dahil kung titignan mo ang posisyon hayahay at masaya. Hmm? kahit nga ata wala kang sahod basta makapasok ka lang araw-araw eh okay na. Yan! Yan ang nasa isip ko noon pero mahirap din pala? masas...