Chapter one: She

209 8 1
                                    

Chapter 1; She.

Hayyy! Kapagod! Nasabi ko sa sarili ko sabay salampak sa sofa namin sa sala, "Maaaa! Anong foods?" sigaw ko kay mama.

"Hi bestieee! Musta first day sa work? Ayos ba? May pogi?" tanong ni Marry sakin isa sa kaibigan ko.

"Kafagod teh! May pogi, gusto mo?" tumango naman siya, "Sige pag ka out nung janitor namin pumunta ka dun ah! Push mo!" sarcatic na pagkakasabi ko.

"Oh! Ikaw bata ka! Anong food foods ka diyan?! San ka na naman galing at pagod ka? Jusko malapit na ang pasukan nyo ng kolehiyo ayaw mo parin magtino? Susko!" hay, eto na naman po tayo sa pananaway ni mama.

"Diyan lang may binili sa national, akyat muna ako." bastos ba? Oh wag na kayo magulat since birth na ata akong ganyan.

"Lintek kang bata ka! Kinakausap pa kita, pinapatanong ng papa mo kanina kung nakapag enroll ka na ba daw? Abril na oh!"

"Si papa san? Opo nagenroll na kulang pa, im tired ma."

"Sa skype kanina, ohh Marry iha! Iniwan kana nung kaibigan mo." narinig ko sabi ni mama kay Marry.

Ay sandali lang Ako pala si Jamaema Almirez (JA-MAY-MA po ang basa)  ang baho ng pangalan ko noh? Jk. Nagpapart time job ako sa infinitea kung di nyo alam bahala kayo dejoke para po siyang starbucks genern, bakit ako nagtatrabaho? Kase po ang totoo eh yung pera ko na dapat pang tuition fee para pag pasok ng kolehiyo eh nagastos ko po hehe ang sama ko talaga noh? Nagastos ko pang bili ng kyaaahhh!!! Ticket ng concert ng BTS (kpop) hepp! Dont ask if im a kpopers ah! Yeah! I know you think its cheap pero try niyo sabihang bakla sila bukas lumulitang na kayo sa Pasig River malapit samin.

So continue, nagastos ko nga pero shhh lang kayo wag kayong maingay hindi kase alam ni mama at lalo na ni papa, nasa Canada kase si papa nung nakaraan kase nanghingi na ko para sa DKFC kaso biglang sinabi na mag coconcert yung BTS hindi naman sila ganon ka sikat kaya now lang sila nagkaroon ng concert eto tuloy ako nagpapagod, anyway im 17 yrs sakto, kakabirthday ko lang last week, 1st year collage palang ako kase 6years sa grade school 6years din sa secondary.

----------

(Kinabukasan)

"Good morning mga bebe ko," *snifff* *snifff* bati ko dun sa poster ng BTS na may paamoy-amoy pa, buo na araw ko sainyo.

"Oh mae aga mong gumising ah! Tulungan mo kong maglinis dito!" pambungad ni mana pagkababa ko.

"Ihh ma may lakad kami ni Marry ngayon, bibili kam--" pinutol ni mama yung sasabihin ko.

"Sabi sakin ng mama niya aalis sila, kaya hala sige kumilos ka mamaya tama na yang gala-gala na yan! Di ka pa nagsawa nung highschool ka." lagot! May pasok pa ko sa shop ng 11 pm eh, tatakas na nga lang ako.

Pagkatapos ko kumain naligo at naghanda nako, two weeks nalang kase concert na kaya nga kayod kalabaw baka kase pagtapos ng concert mawalan na ko ng gana magtrahaho.

Pagkababa ko nag-ala ninja moves ako, tinataas paa paglalakad, dikit sa pader and this is so cool hahaha.

HAYYY! Nalanghap ko rin ang polluted air na kung sino-sino ang nakikilanghap, grabe wala na kaseng matinong bundok eh, buti pa sa korea malamig ang sarap tumira sabi ko nga kay papa dun nalanga siya magtrabaho para maka migrate kami kaso ang baba daw ng dollar kaya ayu--

"Loka ka! Nag de-day dream ka na naman, san lakad mo beh?" sabi ni Jullie na may kasama pang hila ng buhok ko.

"Kainis ka naman! San kaba pupunta? Nagawi ka dito sa lugar namin? Ang sakit nun ah!" sabay kamot ko sa buhok ko, si Jullie my classmate since 1st year high school kpop din.

My kpop love story (BTS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon