Chapter One (Forever Bitter!)

50 0 0
                                    

"I love you babe." Lalaki.

"I love you too babe." Babae.

Tumahimik sila sandali at nagtitigan. Yuck! Mangilabot nga sila sa sinasabi at ginagawa nila! Kadiri! Eww.

"Forever na tayo ha?" Babae.

Sa sinabi nung babae, bigla nalang akong napasigaw.

"Forever? Hah! Kaururan!" Ako

Napatingin naman sila sakin. Yung babae akala mo matutunaw ako. Nagliliyab yung mata niyang nakatingin sakin!

"There's someone bitter here!" Sigaw nung babae.

"Mabuti nang bitter kesa sobrang sweet! Nakakasuya kaya yun. Tsaka ako nga wag mong pinaparinggan. Baka gusto mong buhusan kita ng asido diyan." Sabi ko at tiningnan siya ng masama din. Hah! Akala niya! Mas mataray ako sayo!

"Sus! Ang daming bitter. Ang dami kasing walang boyfriend!" Pagpaparinig nanaman nung panget na nilalang na yun.

"TSE!" Sabi ko at naglakad palayo. Pero ilang steps pa lang yung nalalakad ko, huminto ako at humarap sa kanila. Nginitian ko yung babae at tinaasan ng kilay.

"What?" Naiinis na tanong nung babae sakin.

"MAGBI-BREAK DIN KAYO! Uulitin ko.. MAGBI-BREAK DIN KAYO! Once again.. MAGBI-BREAK DIN KAYO!" Sabi ko at tuluyan nang umalis ng park na yun.

Kainis! Bakit ba kasi nauso-uso yang Valentine's na yan! Kaya ako naiinis sa Valentine's? Nag-break kami ni ano. Bakit ako galit sa forever? Dahil din kay ano.

Ano? Kwento ko ba? Wag na! Alamin niyo mag-isa! Dejowk. Sige, kwento ko na.

Last year, Valentine's noon. Papunta ako sa condo ni ano dahil GUSTO KO LANG. Wala kayong pake basta GUSTO KO LANG. At hindi lang naman dahil GUSTO KO LANG kaya ako pumunta dun. Pumunta din ako doon dahil hapon na, hindi niya pa din ako niyayayang mag-date! Kainis! Kaya ngayon, susugurin ko siya sa condo niya! Humanda siya sakin!

Pagdating ko sa condo niya, nagulat ako nung may narinig akong ungol. Bwisit! Kaya pala hindi ako niyayayang mag-date dahil busing-busy siyang manood ng bold?! Kaya naman dali-dali akong pumasok sa kwarto niya.

"HOY! HAPON NA, HINDI MO PA RIN AKO NIYAYAYANG MAG-- DATE?" Naputol kong sabi dahil sa nakita ko.

"L-lea??" Gulat na sabi ni Brent.

Hindi ako makapagsalita sa mga nakita ko. Natulala ako. Hindi ko alam yung gagawin ko.

"L-lea.. let me explain." Sabi ni Brent matapos niyang magsuot ng pang-ibaba at hinawakan ako sa kamay. Automatic naman na gumalaw yung kamay ko at tinulak siya palayo sakin.

"Lea, please. Yung nakita mo--"

"Yung nakita ko ay hindi totoo? Kung kitang-kita ko na sarap na sarap kayo?" Umiiyak kong sabi.

Nakita ko kasi sila. Sila nung babae niya. Nagjujugjugan. Si Brent nasa ibabaw habang yung babae nasa ilalim at sarap na sarap sa ginagawa ng soon-to-be-ex-boyfriend ko.

"Lea, wala sa plano naming--"

"Anong wala?! Eh bakit ginawa niyo kung wala pala sa plano niyo yun?!" Ako.

Akmang hahawakan niya ako pero umiwas ako.

"Wag kang lalapit! Wag mo kong hahawakan! Dahil nandidiri ako sayo! Sa inyo! Nakakadiri kayo! Ang bababoy niyo!" Sabi ko habang hinahampas siya sa dibdib.

Tumalikod na ko at kinuha yung gamit kong nahulog sa sahig nung pinaghahampas ko siya. Pumunta ako sa kusina at binuksan yung ref. Akala niya aalis ako agad nang wala man lang nagagawa sa haliparot na kajugjugan niya? Kumuha ako ng pitsel at bumalik sa kwarto niya.

Forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon