"Chris, ayoko ngang pumunta!" Pagpupumiglas ko.
"Anong ayaw? Nakabihis ka na, naka make-up ka na, ano pa bang ia-ayaw mo diyan?!" Pagpupumilit ng bruha kong best friend.
"Ayoko nga sabi e! Ayoko! Ayoko! Ayoko!"
"Kapag hindi ka sumama, isusubo ko sa bunganga mo tong door knob na to!" Sigaw niya habang inaalis yung pagkakahawak ko sa door knob ng kwarto ko.
"Ayoko nga e! Kapag hindi ka pa tumigil diyan, susungalngalin talaga kita ng sapatos ko!" Sigaw ko pabalik.
"Kung ayaw mo, bahala ka! Ikaw na nga tong iniintindi ikaw pa tong mareklamo! Kanina pa kita pinipilit na sumama pero ayaw mo! Lea, move on! Matagal na yung sa inyo ni Brent. Alam kong yun ang dahilan kung bakit ayaw mong pumunta. Aalis na ko." Sabi niya at akmang aalis pero niyakap ko siya. Tinamaan kasi ako sa sinabi niya. Totoong si Brent yung dahilan kung bakit ayaw kong sumama. Sumama saan? Sa school, Valentine Program, remember?
"Sorry na Chris. Bati na tayo. Sasama na ko." Sabi ko.
"Oo na. Ikaw naman kasi ang arte mo pa e! Tara na nga! Leggo party!" Sabi niya sabay hila sakin palabas.
Pero naiinis pa rin ako sa kanya! Akala ko kasi trip niya lang make up-an at damitan ako tapos yun pala may balak na isasama ako sa Program! E, bakit ba naman kasi may program pa e tapos na yung delubyo--este Valentine's?!
--SCHOOL*
"Kung hindi man tayo
Hanggang dulo wag mong kalimutanNandito lang ako laging umaalalay
Hindi ako lalayo..Dahil ang tanging panalangin ko
Ay ikaw..
Ay ikaw..At ikaw...
Ay ikaw.."Sht. Sino yung kumakantang yun? Kakarating lang namin sa school tapos yun na agad yung bumungad na kanta.
Familiar. Very familiar. That voice..
"The last song is dedicated to this girl named .. actually I still don't know her name . This girl .. napahanga niya ako . Matapang siya .. sige, sabihin na nating maganda *chuckles* pero ang taray e . Una at huli ko siyang nakita sa park. Nabunggo kami sa isa't isa. Nahulog pa yung mga groceries niya. Tinulungan ko siyang pulutin yun. Sabi niya nauntog siya sa poste. Pero yung totoo, sa abs ko siya nauntog. Haha! Forever bitter nga e! Galit na galit sa forever.. nung pauwi na ko, nakatabi ko siya sa jeep. Hindi niya yata nahalata nun na katabi niya ko. Siguro pagod? Haha! Basta! Forever bitter siya. So, let's start."
At nagtilian na yung mga babae at binabae.
Bwisit to. Oo. Tama kayo. Siya yung hambog na nakabunggo ko nung Valentine's sa park.
"You-- aray!" Angal niya sabay hawak dun sa batok niyang binatukan ko. Bago pa kasi siya makakanta, umakyat ako ng stage at binatukan siya.