(Lea's POV)
*knock knock*
"Ay kalabaw!"
Napabalikwas ako sa pagkakahiga ko nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Napakamot na lang ako sa ulo. Hoy, wala kong kuto no!
"What do you want?!" Galit na tanong ko.
"Ma'am, may naghahanap po sa inyo."
Ahh. So, maid lang pala. Akala ko yung pamilya ko nanaman eh.
Speaking of pamilya. Kumusta naman kaya yung pamilya ko? Wait, what?! Pamilya KO?! The heck! Wala ako nun! Mga walang kwenta sila. Iniwan nila ako. Duh!
"Sino ba yan?! Sarap ng higa ko eh!"
"Si miss Chris po. Hinihintay ka na po niya sa baba."
Agad naman akong napatakbo palabas ng kwarto pababa ng hagdan. Binabawi ko na yung galit at inis ko. Haha!
Sinalubong ko agad ng yakap si bes. Na-miss ko siya! Oh my!
"Bes! Na-miss kita! Yiiee!!" Tili ni bes.
"Me too!" Sabi ko at hinigpitan yung yakap ko sa kanya. Ganun din naman siya.
"So, kumusta na??" Sabi niya pagkatapos niyang humiwalay sa pagkakayakap namin.
"Okay lang! Upo tayo." Umupo kami sa sofa at nagkwentuhan. Nang mapansin niya yung braso ko.
"Anong nangyari diyan?? Oh my gosh! What happened?!" Pag-aalala niya.
"Remember the guy nung valentine program sa school?" Mapait na sabi ko dahil naalala ko nanaman yung valentine valentine na yun.
"Yung guy na namahiya sayo?"
"Yes!"
"Anong nangyari??"
At kinwento ko lahat ng nangyari. Para namang natulala siya sa kwento ko.
"Huy! Bes, ano b--"
"Ma'am may bisita pa po kayo."
Singit ng maid sa sasabihin ko.
"Kung yung walang kwentang pamilya ko yan, wag mong pap--"
"Kaibigan niyo daw po."
"Pwede ba?! Kapag nagsasalita ako, wag mong puputulin kung ayaw mong putulin ko yang dila mo!"
"S-sorry po ma'am." Sabi niya at nag-bow pa.
"Papasukin mo. Bwisit." Sabi ko at tumingin ulit kay bes.
"Bes? Huy?! Hello? Earth to Chris!" Sabi ko sabay yugyog sa kanya. Natauhan naman siya.
"Ah. Sorry bes. Oo. Narinig ko yung kwento mo. Kung sakin nangyari yun, magiging mabait ako sa lalaking yun. Kasi isipin mo, ikaw na nga may kasalanan, ikaw pa tinulungan. Haha-- ARAY! Bes naman eh!" Putol na tawa niya nang bigla ko siyang binatukan.
"Ako may kasalanan? Siya kaya! Kung nagbayad siya, edi makinis pa tong balat ko!"
Medyo ang OA ko lang. Haha! Pero, gumagaling na yung sugat ko. Siguro 1 week pa bago gumaling nang tuluyan.
"Ang sama mo naman bes!"
"Masama na kung masama atleast maganda!"
"Ha?! Hindi pwede! Akin lang ang--"
"Kashungahan!" Pagtutuloy ko sa sinasabi niya. Hindi naman pwede yun no. Akin ang kagandahan! Puwahahaha!!
"Kaganda--"