"Siya yung dahilan kung bakit ka ganyan diba?" Sabi ni KL. Oo KL. Masyadong mahaba yung Kris Louise.
Akala ko kanina sweet na. Tapos biglang lumapit sakin si Brent, ang malanding nagpalandi.
"Anong kung bakit ako ganyan?" Tanong ko.
"Kung bakit ka bitter. Kung bakit ka masungit. Kung bakit ka matara-- ARAY!" Sabi niya at hinawakan yung braso niyang sinuntok ko.
Napatayo din ako dahil sa mga pinagsasasabi niya.
"Bakit mo ko sinuntok?" Naka-pout niyang sabi. Sht. Cutee!! Wait, what?! NO! Erase!
"E walang hiya ka kasi e!" Singhal ko sa kanya.
"Hmp! Alis na nga ako! Mag-date na kayo!" Parang bata niyang sabi.
"Edi umalis ka-- WAIT, WHAT?! Wag kang aalis!" Papayag na sana ako para umalis na tong si ugok kaso na-process ng matalino kong utak yung huli niyang sinabi. Mag-date pala ah?!
"Umalis ka na, Kris." Sabi ni malanding nagpalandi.
"No! Don't you dare!" I said as I was pointing him with my finger and giving him my death glare.
"Aalis na ko! Nakakaabala ako sa date niyo e! Muwahaha!" Sabi niya at tumakbo na paalis.
"Ugh! That monkey! Humanda siya sakin bukas sa school!!" Sabi ko habang nagpapapadiyak.
"Lea."
"What?!"
"Calm down."
"Calm down?! Paano akong kakalma kung may kasama akong malanding nagpalandi?!"
"Lea, nandito ako para magpaliwanag at humingi ng tawad."
"I don't care!"
"Hayaan mo naman akong magpaliwanag."
"No!!"
"Bakit ba ayaw mo kong magpaliwanag?"
"Kasi nga walang forever! Tsaka may magbabago ba kung sasabihin mo yung explanations mo?! Wala naman diba?!"
"Baka sakaling magbago yang pag-uugali mo!"
"Bakit?! Ano bang problema mo sa ugali ko?! Its who I am and no one and nothing can change me!"
"Dahil sumosobra ka na!"
(Brent's POV)
"Dahil sumosobra ka na!" Salitang sinigaw ko na hindi ko naman gustong isigaw.
Mukhang nagulat siya sa pagsigaw ko.
"Sumosobra? Sumosobra?! Kasalanan mo naman kaya ako nagkakaganito e! Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito!"
"Kaya nga magpapaliwanag ako e!"
"Para saan?! Para lalo lang akong masaktan?! Kung masasaktan lang din ako diyan sa pinagmamalaki mong explanations, wag na lang!"
"Lea naman! Makinig ka muna sakin!"
"Haist! Oo na! Sige na, nang matapos na! Isa pa, gutom na ko!" Sabi niya sabay upo sa upuan at nag-umpisang kumain.
Napangiti nalang ako. Umupo ako sa upuang kaharap niya at tinitigan ko siya. Napakaganda niya talaga. Pero napansin kong masyadong maikli yung damit niya. Exposed din pala yung likod niya.
"Diba Lea nakasulat dun sa papel na pinadala sayo ni Kris na wag maikli yung isuot mo?"
"Wala kang pakialam sa suot ko."
"Lea, masyadong exposed yung katawan mo diyan sa suot m--"
"Wala akong pakialam sa nararamdaman mo." Sabi niya at tumayo na.