Chapter Seven (Pinaglihi sa..)

41 0 0
                                    

(Lea's POV)

Yaaawwn.. >___

O________-

-________O

O________O

"Waaaaaaaaaaaaah!" Sigaw ko at nahulog sa kamang hinihigaan ko.

"NASAAN AKO?!!" Sigaw ko pa ulit.

Nasa kwarto ako. Pero kanino?!

Bago pa ko magwala ay may lalaking pumasok sa kwarto na may dalang pagkain.

"Ikaw! Ikaw panget ka! Nasaan ako?! Ha?! Bakit ako nandito?!"

"Hey. Chill ka lang. Para kang kinakatay na baboy kung sumigaw ea." Sabi niya at nilapag sa side table yung tray ng pagkain.

"KL! Iuwi mo ko sa mansion KO! Hindi ako nababagay dito sa KUBO MO!"

Tama kayo. Si Kris Louise Monggoloid ang lalaking to.

"KL? Kelan mo pa ko tinawag na KL?" Nagtatakang tanong niya.

"5 seconds ago pa!"

"Tsk. Pagkatapos kong planuhin yung date niyo nung ano nga ba pangalan nun? Ah. Brent."

"Heh! Magtigil ka! Magsama sila nung malantod niyang babae! Hindi ko siya kailangan para lang mabuhay ako! May pagkain naman!"

"Hahaha! Why so bitter?"

"Walanjo ka! Bitter your face!"

"Haha! Para kang pinaglihi sa ampalaya!"

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa sahig dahil nga nahulog ako kanina. Lumapit ako sa kanya at dinuro siya.

"Ikaw kaya diyan! Para kang pinaglihi sa bakla!"

"What did you just say?" Seryoso niyang tanong pero wala akong pakialam! Namumuro na to e!

"Ang sabi ko pinaglihi ka sa bakla! Bakla ka din siguro?! Haha! Bakla! Bakla! Bakla!"

"Stop it." Nagtitimping sabi niya.

"Bakla! Bakla! Bakla! Bak--"

"Hindi ako bakla!"

"E bakit nagagalit ka? Kasi totoo! Haha! Bakla! Bakla! Ba--"

Hindi ko na natuloy yung pambubwisit ko sa kanya nang itulak niya ko papunta sa pader habang hawak niya ko sa balikat.

"Hindi ako bakla." Seryoso at may galit sa boses niyang sabi.

Luh? Nakakatakot na.

Nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko hanggang 3 inches na lang yung layo namin.

"Bakla pala ah. Suit yourself."

Nilapit nanaman niya yung mukha niya sa mukha ko. Hindi niya na kailangang sabihin sakin kung anong gagawin niya. Alam ko na e. Tsaka wala akong pakialam. Matagal nang wala yung first kiss ko. Hindi ko na nga alam kung kanino ko nabigay yung first kiss ko. Sa dami rami ba naman ng nahalikan ko. Napariwara yung buhay ko simula nung lokohin ako ni Brent. Halos lahat ng lalaki nun sa bar nahalikan ko na. Psh. Ayoko nang pag-usapan.

Hindi ko na hinintay na si KL yung humalik sakin. Instead, inunahan ko na. Mukhang nagulat naman siya. Pinutol ko na yung halik at gulat pa din yung makikita mo sa mukha niya.

"Oo na. Hindi ka na bakla." Sabi ko at lumabas ng kwarto.

Lalabas sana ako dito sa KUBO niya kaya lang hindi ko alam kung paano makakalabas. Kaya bumalik ako sa kwarto.

Forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon