Chapter Five (How Sweet!-- Hindi na ngayon)

50 0 0
                                    

"Bes, picture tayo dun!" Sigaw sakin ni Chris. Nandito kami ngayon sa mall. Nag-cutting kami. XD Wahahaha!! Kanina pa nga kami dito e. Mga 4:00 pm to be exact, maybe? 6pm na pala ngayon.

"Ikaw muna. May pupuntahan lang ako." Sabi ko.

"Okay!" Sabi niya at nag-picture picture na.

Pumunta ako sa isang shop na punong-puno ng teady bear! Ang cuuuuuuuute!!

Dali-dali akong tumakbo papunta sa isang bear na medyo gold yung kulay na parang kasing laki ng 2 years old na bata. May lalaki kasing papunta dun at balak din yatang kunin si Goldie. Oo Goldie. Pangalan nung teady bear. Ano, angal kayo? Suntukan na lang oh?

Bago pa hablutin nung lalaki yung teady bear, inunahan ko na! Para kay bes to e! Friendsary Gift ko to kay bes!

At kung sinuswerte ka nga naman, nag-iisa na lang tong si Goldie!

"Ahm.. miss, can I have that? I need that." Sabi nung lalaking mukhang lumot. (A/N: Pogi siya. Bitter ka lang!) Panget siya! Wag kang ano!

"No. I saw it first. I held it first. I'll buy this first." Sabi ko.

Lol! Puwahaha! I'll buy this first. Nung sinabi ko yun, mukhang nanlumo yung lalaki!

"Please.. miss, give it to me. I totally need that teady bear." Sabi niyang may malungkot na mukha.

"No. When I said no, no. Say a word and you'll be dead." Sabi ko. Napapa-english tuloy ako! D to the U to the H! Kahit ganito ako, hindi naman ako mahilig mag-english no! Pag kailangan lang talaga!

"Miss, hindi mo naiintindihan."

O______O

Nagtagalog siya! Bushit! >___
Marunong pala mag-tagalog to e! Pinahirapan pa ko!

"I understand. Akong unang nakakita dito kaya akin to." Mahinahon kong sabi.

"No you don't. Gustong-gusto bilhin yan nung girlfriend ko." Sabi niya.

"Gusto niya? Edi bumili siya ng iba! Ang dami pang iba diyan oh! Akin to e!" Sigaw ko na. Pinagtinginan tuloy kami nung ibang customers.

"Miss, umiiyak na yung girlfriend ko kasi pinipilit niya ko kaninang bilhin yan pero ayaw ko. Please, miss. Give it to me." Nagmamakaawa na siya sakin ngayon.

Psh. Kung hindi lang talaga ako nasu-sweet sa kanya e. Kung ako yung girlfriend niya? Hindi ko na pakakawalan to. Wait.. ako? Pag naging girlfriend niya? Pucha! Wala akong sinabi!

"Hayy.. sino ba yung girlfriend mo? Nasaan?" Sabi ko at lumingon-lingon sa paligid.

"Nasa harap nitong shop." Sabi niya kaya binigay ko na sa kanya si Goldie at binili niya na. Nakabalot na ng paper bag si Goldie at lumabas kaming dalawa sa shop. Nakita ko yung babaeng umiiyak, nakatakip yung kamay sa mukha.

"Babe, sorry na. Ito na si Coco." Sabi niya dun sa babae at nag-angat naman ng tingin yung babae.

Kapal niya. Umalis kang babae ka sa harapan ko kung gusto mo pang mabuhay.

Fck.

Sht.

Damn.

Flirt.

"I-ikaw?" Gulat na sabi nung babae.

Nagulat ako pero agad namang napawi yun then I smirked.

"Long time no see. And long time no flirt with my ex-boyfriend." Sabi ko na nakataas yung isa kong kilay.

"Magkakilala kayo?" Nagtatakang tanong ng OH-SO-CALLED BOYFRIEND niya DAW.

"Yeah. Siya yung flirt na nakipag-ANO sa ex-boyfriend ko 3 years ago." Sabi ko na ikina-inis at ikina-galit nung lalaki.

Forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon