"Oh God! Salamat at nakauwi na rin sa wakas!" Sabi ko sabay higa sa maganda kong kama.
Nakakapagod panoorin yung katangahan ni KL kanina. Kinwento niya kasi sakin kung paano kami nakarating sa hospital. Tanga siya edi wow. Sabihan ba naman yung mga staff and customers ng 'AALIS KAYO SA DADAANAN KO O PATI KAYO SA HOSPITAL ANG DERETSO?!'
Hayy. Pero hindi pa rin talaga maalis sa isip ko yung text ni bes eh.
'They're here..'
'They're here..'
'They're here..'
'They're here..'
'They're here..'
I can't believe it.. THEY'RE ACTUALLY HERE.. I'm not dreaming.
Finally, makakapag-revenge na rin ako sa kanila.
Well, nakakapagod din tong araw na to. So, I'm going to take my beauty sleep.
Good night. Walang forever. Magbi-break din kayo.
zzzzzzzZzzzzzz...
----
KRRRIIIIINGG!!
Napamulat ako sa tunog ng alarm clock ko.
KRRRIIIIINGG!!
Argh!! Ang ingay!
*BOOGSSH!
Hinagis ko yung alarm clock sa wall para tumahimik! Ang ingay eh! Bumangon na ako at dali-daling bumaba. Padabog kong sinara yung pinto ng kwarto ko.
Pagkababa ko, hinanap ko agad yung mga hampaslupa kong kasambahay.
Nakita ko naman agad sila sa kusina.
"Sinong hampaslupa ang nag-set ng alarm clock ko ng 5:30?!" Pasigaw na tanong ko.
Oo tama kayo ng basa. 5:30 pa lang ng umaga. Samantalang 8:00 ako nagigising.
"U-uhmm.. ano po ma'am.." sabi ng isa sa mga kasambahay ko.
"Ano?! Sino nga?! Sabihin mo sakin kung sino para mawalan ng trabaho!" Naiinis na talaga ako!
"Ako." Sabi ng nasa likod ko. That voice..
Dahan dahan akong lumingon sa likod ko and there.. I saw a woman. The woman I used to hate when I was 16 until now.
"Bakit mo sinet ng 5:30 yung alarm clock ko?!" Nabubwisit na tanong ko.
"Dahil gusto ko." The woman said.
"Wala kang karapatang pakielaman ako."
"May karapatan ako dahil anak kita."
"Ang kapal ng mukha mong sabihing anak mo ko pagkatapos niyo kong iwanan sa Korea when I was just 16 years old." Nagtitimping sabi ko.
"Wala kang alam. Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan nung iwan ka namin sa Korea." Nangangatal na sabi niya.
"And you don't have the right para pumasok ng pamamahay ko. Umalis ka na."
"Hindi lang naman siya yung nandito eh.. ATE."
"Oh.. So look who's here. The little spoiled brat who used to earn all of the attention." Taas kilay na sabi ko.
"Long time no see, anak." My dearest father said. Tingnan mo, ganun lang niya ko batiin. That's how he treat me before.
"Well, kompleto pala kayo. Ang dakila kong ina, my attention seeker sister, and oh.. my dearest father.. how sweet.. nandito kayong tatlo sa harap ko. Kayo na iniwan ako sa Korea, kayo na kinalimutan ako, at kayo na sumira ng buhay ko." Nakayukom na palad na sabi ko.