Chapter Four (His Side)

39 0 0
                                    

(Brent's POV)

"Lea, please. I'm sorry. Let me explain. I'll tell you everything." Sabi ko habang hinahabol si Lea. Nasa likod niya lang ako.

"Ayoko. Layuan mo ko." Sabi niya kaya natigilan ako sa paglalakad habang siya patuloy sa paglalakad.

May bigla namang babaeng nakabunggo sa kanya. Natapunan pa siya nung kape. Puti pa naman yung damit ni Lea. Yung babaeng nakabunggo sa kanya kasama kong nag-transfer dito yan.

"Argh! Look at what you've done to my coffee! Tinapon mo! You should pay for it!" Sigaw nung babae kay Lea.

"What? *grin* Excuse me Miss. Mawalang galang na pero hindi ka kagalang-galang. Wag kang magmaganda dahil hindi ka maganda." Mahinahong sabi ni Lea.

"You flirt! Bayaran mo yung coffee ko!" Babae.

"Why would I? Ikaw tong may hawak niyang coffee mo. So, ibig sabihin, ikaw ang tangang nakatapon. At ang sosyal mo pa. Hahanap ka na nga lang ng pagtatapunan, dun pa sa mamahalin. Yung damit ko? Mas mahal pa to sa buhay mo. Actually hindi lang buhay mo. Pati buhay ng pamilya mo." Lea.

Sht. Nasaan na si Lea? Si Lea na minahal ko, mahal ko, at mamahalin ko pa? Nasaan na si Lea na mabait, mapagpakumbaba, mapagpatawad?

"Sino ka ba para pagsabihan mo ko ng ganyan ha?!" Sigaw nung babae.
May hinilang babae si Lea at hinarap dun sa babaeng nakabunggo sa kanya. Tingin ko nerd yun. Nakasalamin tsaka ang daming librong dala e.

"Now, tell her. Tell her who I am." Sabi niya dun sa mukhang nerd.

Kanina pa sila pinapanood ng mga nakakalat na estudyante. Recess kasi kaya ganyan.

"U-uhm.. siya si Ms. Lea. Kilalang pinakamayaman dito sa school. Marami na siyang naencounter na katulad mo at lahat sila lumipat na ng school dahil laging pinag-iinitan ni Ms. Lea. Masama siyang kalaban kaya better watch your words." Mahabang paliwanag nung nerd.

Nagulat naman ako. Siya? Ginawa niya yun? Magagawa ba talaga ni Lea yung ganung bagay? Ganun na ba talaga siya kasama?

"OMG! Bes, what happened?!" Sigaw ni Chris pagkakita niya kay Lea.

"Itanong mo diyan sa babaeng may hawak ng bawas na kape." Sabi ni Lea.

"Anong ginawa mo sa best friend ko?! Ha?! Bigwasan kaya kita ng walis ting-ting diyan?!" Sigaw ni Chris. Matagal ko nang kilala si Chris. Actually, kaming tatlo. Magbe-bestfriends kami. Dati. Tapos nagkagusto ako kay Lea at ayun na nga.

"S-sorry. H-hindi na mauulit. S-sorry talaga." Sabi nung babae at nagbo-bow pa kay Lea.

"Pasalamat ka, hindi kita ginantihan. Wala pa ako sa mood ngayon." Lea

O_O
Wala pa siya sa mood nun? Ibig sabihin malala pa yung mga sasabihin niya kapag nasa mood na siya? God, Lea. What happened to you? Nagsisisi na ko. Nagsisisi na ko na sinunod ko yung utos nung babaeng naka-ANO ko dati. Hindi ko naman alam na aabot sa point na masasaktan ko ng sobra si Lea at magiging pusong bato siya.

Flashback

"No. I won't do it." Sabi ko sa babaeng bigla bigla na lang pumasok dito sa condo ko.

"Gagawin mo o gagawin mo? Simple lang naman yung sagot e."

Forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon