LYKA'S POV:
KRING...KRING...KRING...
"Ugh!"-me
Nakadapa ako sa kama ko dahil maaga pa naman at madilim pa nung tumingin ako sa bintana. Hindi ko sinagot yung tawag dahil mukha namang hindi importante pero sa pangalawang pagkakataon,tumunog ulit at nag vibrate -.-
KRIIIIING!!! KRIIIIING!!! KRIIIIING!!! Tapos biglang may nagvoice-mail na.
"SAGUTIN MO KUNDI, HUMANDA KA SAKIIIN!!!"
BUSEEET! KAINIIIS! Umagang-umaga,tawag ng tawag -.- Sinagot ko na habang hindi ko parin binabago yung pwesto ko sa kama at nakapikit parin.
"Hello?"-me (Matamlay kong sabi)
"BA'T BA ANG TAGAL MONG SAGUTIN?! HA?! KANINA PA KO TUMATAWAG,AH!!"-raven -.-
"Pwede ba,wag kang sumigaw -.- Nakakairita! Maaga pa,inaantok pa ko. Sino sa tingin mong taong gising na sa oras na to,HA?!"-me
"AKO! Pati yung mga kasama ko sa bahay. TSK! Tulog mantika ka kasi!"-raven -.-
"Yan lang ba sasabihin mo? Nang abala ka pa ng natutulog,pft!"-me
"Tss -.- Samahan mo kong mag-jogging!"-raven
"Inaantok pa ko,sama mo yaya mo"-me
"Naglilinis ng bahay"-raven
At may balak ka talagang isama yung yaya mo?! :D
"Si kuya Jerry"-me
"Nililinis yung sasakyan"-raven
"EDI YUNG ASO NYO! BYE"-me
Sabay baba nung tawag tapos naalala kong wala nga pala silang aso. Serry nemen. Makatulog na nga lang ulit -.-
ZZZzzzz...
RAVEN'S POV:
ANONG ASO ANG PINAGSASABI NG ISANG YUN?! -.- Ang aga ko pamanding gumising para lang planuhin tong araw na to tapos...Grrrr >.< PANIRA NG TRIP!
Lumabas na ko ng kwarto ko tapos kinuha yung bag kong ginagamit ko rin pag may practice at sumakay sa sasakyan. Hindi ko na pinasama si kuya Jerry dahil iba ang gamit kong sasakyan,sports car na ngayun ko lang ulit gagamitin tutal wala namang huli eh >:D
"Insan! Mamaya laro tayo sa dating lugar ha? Aasahan kita,kita nalang tayo mamaya"
FROM: PINSAN JL (Stands for Jhon Lloyd)
"Sige lang insan,sama ko na pati yung kinekwento ko sa inyo. Pakilala ko na sayo"
SEND TO PINSAN JL
Tumigil muna ko sa 7/11 para bumili saglit ng energy drink \m/ Tapos naisip ko na baka mahimatay yun kung bigla kong pagurin sa pag-jogging kaya binili ko narin baka magreklamo pa eh. Bumalik na ko sa sasakyan matapos nun tapos dumeretso na sa kanila,maaga pa naman mga 6:33 palang kasi.
REPLY FROM: PINSAN JL
"Sige lang insan! Baka type ko rin eh.De joke lang! Kita nalang tayo mamaya"
Lintik na to! Gusto pa kong agawan. Hahaha,pero alam ko namang biro lang yun eh dahil pag dating sa babae pag akin-akin,pag kanya-kanya. Nakarating na ko kila Lyka at bumaba na ng sasakyan,mukhang tahimik pa sa lugar nila pero tumawag parin ako sa loob at lumabas naman si Tito Louis.
"Good morning po :)"-ako
"Oh,napa-aga ka ata? Anong meron? Halika sa loob. Pasok!"-tito louis
Pinapasok ako sa loob at habang papasok ay sinabi kong yayayain ko sanang mag-jogging si Lyka.
