LYKA'S POV:
Monday na ulit -_- I'm not ready! Para akong nastuck sa mga pangyayari kagabi :"> Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko, parang ang lalim nya. Parang balon na naghulog ka ng barya at ang hirap nyang kunin ulit, at ang balon ay si Raven at ako yung barya na hindi na makawala sa kanya. Corny ba? Nababaliw na ata ako. Lol. :">
FLASH BACK...
Inuwi na ko ni Raven sa bahay, nandito na kami sa tapat at hindi parin bumababa ng sasakyan. Mga ilang segundo lang ay lumabas na sya ng sasakyan tapos pinagbukas ako at hinawakan ang kamay ko para alalayan akong lumabas :"> Tumayo lang kami saglit saka ako ng pasalamat.
"Huh?! Para saan?"-raven
"Sa... sa lahat :) Basta! Osige pasok na ko sa loob"-me
Ngumiti ako tapos tumalikod na para pumasok sa loob pero hinigit nya yung kamay ko tapos nilapit ako sa kanya as in ma-la-pit! He put his hands on my cheeks tapos knissan nya yung forehead ko :"> And he let go of me.
"Wag mo kong masyadong isipin ha? Baka mapagod ako katatakbo sa isip mo :')"-raven
"Corny mo :'P"-me
We both smiled to each other tapos nagwave sya at sumakay na sa sasakyan. Kala ko aalis na sya pero he open the car's window tapos nagwaved ulit sya for the last time while smiling at umalis na.
END OF FLASHBACK...
Nandito na ko sa school, hindi ako sumabay sa service dahil ngayun ako magaapply para sa Journalism Club. Actually matagal ko ng gustong sumali kaso ngayun lang sila nag open para sa mga bagong members. Dumeretso na ko sa room ng Journalism Club at nakasara ito pero kita mo parin dahil may parang maliit syang glass window sa taas ng door. Nakita kong marami ng tao at mga nakatayo ang mga old members nito, I knew na old members kasi mga nakasuot sila ng black shirts na may name. Kumatok ako tapos pinagbuksan ako ng pinto.
"Hello :) Sorry... May I come in?"-me
"Sure, ofcourse :)"-a girl infront who's talking.
Pumasok na ko sa loob at umupo sa front row sa may dulo ng right side. Habang may nagsasalita sa unahan, nagbibigay sila ng papel, nung binigay na sakin, it was like a guide tapos may mga rules and vision and mission ng club.
"Okay, let us introduce ourselves one by one. Okay, I'll start :)"-the girl infront.
"My name is Shela Cruz and I'm a college student here in Eastmont, Im taking the course of BS in information technology with specialization in web and mobile app. I'm the president of this club and this guy is the vice-president."-ms. president, sabay turo dun sa guy na kalapit nya, cute nila :">
"Ayiiiieee!"-sigaw namin :">
"Hahaha! I'm Francis Guiterez and she's my girlfriend. Hahaha, no I'm just kidding..."-the vice president na loverboy :">
"Weeeeeh?!"-sabay-sabay naming sabi :">
"Hahaha! Okay, seryoso na... I'm also a college student here, taking the course of BS in communication technology :) Ako ang head ng entertainment page tapos ang ms. president naman natin, hehehe... Ang head ng puso ko, de joke lang. Hahaha, sya ang nagpa-finalize ng lahat :">"-kuya Francis
"Ayiiie!!! Hahaha"-kaming lahat
Isa isa rin nagpakilala yung mga dating memebers tapos kung anong posisyun nila sa club. Nagpakilala din kami, ako pa nga yung una eh. Kahiya :"> Tapos nung nagsalita ako, kilalang-kilala nila ko dahil daw kay Raven -.- Pft! :">
"Okay, kung wala na. Ilabas nyo na yung paper nyo na may lamang article or story na ginawa nyo :)"-ate shela
Ayon kasi sa papel na pinaskil nila sa bulletin board kailangan mong magdala ng article or story mo para makasali ka sa club, parang requirements. After nilang mabasa yun isa-isa ipapaskil na nila kung sinu-sino yung mga nakapasok sa club, before uwian pa nila iaanounce yun.