NATE'S POV:
Umalis na yung pinagsakyan ni Raven at mukhang nagtataka parin si Lyka. Niyaya ko syang sumabay sakin dahil gusto kong mgathank you sa panglilibre nya sakin kanina. Pinagbuksan ko sya ng pinto sa unahan, saka ako pumasok. Kalapit ko sya sa sasakyang minamaneho ko. Habang nasa byahe, hawak nya lang yung cellphone nya at parang naghihintay ng text.
"HOY!"-ako (Pagulat kong sabi)
At nagulat naman sya dahil napa 'AY! Palaka' sya. Hahaha. Tapos muntikan ng mahulog yung cellphone nya. Haha, hinampas naman ako ng isang beses sa braso tapos parehas kaming tumawa.
"Huwag kang mag-alala, pinapatawag lang sya ng lolo nya"-ako
"Huh?!"-lyka, na biglang lumaki yung mata O.o
"Ganun lang talaga yung lolo nya. Hahaha, don't worry hindi sya ikukulong. Hahaha"-ako
"Baka, baka, baka... Baka dahil sa nangyari kagabi! Patay!"-lyka
"Anong kagabi?"-ako
"Mahabang kwento. Nate! Makapangyarihan ba yung lolo nya?"-lyka (Takot nyang sabi O.o)
"Oo? Siguro? Baka?"-ako
"ANO?!"-lyka
"Last time kasing napatrouble kami, pinalabas agad kami, hindi pa nga kami nakakaisang oras eh"-ako, biglang tawa.
"Nakulong kayo?"-lyka
"Over speeding. Naghamon kasi ng race yung nameet namin sa club, kaya pinagbigyan lang naman. Eh yung way ng race ay nasa public place kung saan maraming sasakyan ang dumadaman paminsan, eh tyempong may bantay na pulis. Yun! PERO-PERO di kami mga kriminal"-ako
"Hahaha, defensive? Oo na, syempre. Di naman lahat ng nakukulong kriminal eh, manuod ka kasi ng mga movies. Miracle in cell number 7 ;)"-lyka
"Pag may time. Hahaha, gusto mong sumama kay Aquila? J"-ako
"Sige, sige J"-lyka
Niliko ko na papunta sa ospital.
Hanggang ngayun hindi parin lumalabas si Aquila dun dahil ayaw nya parin ituloy yung operation at kahit anong pilit ko, ayaw nya parin. Pagod na rin daw sya, dahil bumabalik-balik din yung sakit nya. Hindi ko rin sya kayang bitawan kahit anong mangyari dahil nangako ako sa kanya.
FLASHBACK...
Lumabas ako ng kwarto ni Aquila dito sa ospital para mabigyan naman nya ng oras yung family nya. Umupo ako sa isang habang upuan habang hawak yung kape ko, nang biglang may nagsalita.
"Ikaw ba si Nathan Sandoval?!"-lalaking boses
Inangat ko yung ulo ko nang bigla akong sinapak ng lalaking nagsalita. Pagtingin ko isang lalaking medyo matanda na at ngayun ko lang nakita. Natapon naman yung kape ko sakin tapos napahawak nalang ako sa may labi kong mukhang namamaga sa sakit -.-
"Nang dahil sayo, ayaw na ng apo kong sumubok ulit. IKAW ANG MAY KASALANAN NITO!"-lolo ni Aquila?! Ba't ngayun ko lang nameet?
"Pa-pasenysa na po! Hi—-"-ako (Nang biglang bumukas yung pinto ng kwarto ni Aquila dito sa ospital)
Biglang lumabas yung magulang ni Aquila pati si ate Abby na kapatid nya. Agad akong nilapitan ni ate Abby tapos tinanong kung ayos lang ako, pero tumango lang ako.
"Papa! Anong nangyayari dito?! Bakit nyo sya—-"-tita (Nang biglang nagsalita yung dad ni Aquila)
"Pa! Ayos lang si Aquila, wag na kayong mag-alala. Kararating nyo lang pamandin"-tito
"Grandpa! Si Nate po ang nagalaga sa kapatid ko, kay Aquila. Tumigil po sya ng isang taon sa pag-aaral, maalagan lang ang apo nyo. Kaya po wag na wag nyo syang huhusgahan kung hindi nyo naman po alam ang buong nangyari. Pasensya na po lolo, naaawa narin po kasi ako kay Nate dahil lagi syang naiipit"-ate abby O.o (Galit nyang sabi)