My Angel-Chapter Thirty

88 4 0
                                    

LYKA'S POV:

Hindi ako nakatulog -.- Di ko matanggal sa isip ko yung nangyari kahapon. Argh! It's only 5 o'clock in the morning kaya maaga pa para kumilos for school,bumangon muna ko sa kama and then open the computer to check my facebook account,di narin kasi ko nakakapagbukas eh.

Dahil maaga pa nga,wala pang naka-online pero may mga friends request akong nakita sa taas,panay member ng Cricks :"> Miss ko na agad sila. Lol. Ang sarap din kasi nila kasama lalo na ni Fhetot. Inaccept ko sila tapos may mga tag photo rin ako,nakita ko yung isang photo na nakapasan ako kay Raven nung naglaro kami sa pool ng wrestling. Argh! Nag-scroll na lang ako na nagscroll tapos bigla akong may nakitang post pero share lang sya O.o

DESCRIPTION: Aww :"> They're still inlove with each other. Miss them to see like this. #Roey

Isang picture ni Raven at Joey,natutulog si Raven tapos kinissan sya sa pisnge ni Joey. Parang stolen tapos nung nasa Rizal pa kami nito. Ibig sabihin matagal na to? Na may nangyayari ng special sa kanila matagal na. Eh ba't---ARGH! >_< I really H-A-T-E him!

Nagscroll pa ko tapos may nakita na naman ako -.- Share lang ulit tapos parang eto yung photoshoot nila kahapon. Simple lang yung description,parang pasilip lang daw para sa ilalabas na bagong billboard.

They look perfect to each other,parang ang saya nila tapos parehas sila ng istado ng buhay kaya bagay na bagay sila,kilala na rin nila ang isa't-isa simula umpisa palang. Di ko alam ang mararamdaman ko pero may kirot akong nararamdaman habang tinititigan yung picture

Nag-logout na ko tapos pinatay na yung computer at tumulong kay mama sa pagluto ng breakfast. After nun kumain ako at naligo na. Nagbihis na ko at naghintay muna ng service pero mukhang iba yung sumusundo sakin O.o

Lumabas na ko habang dala-dala ko na yung bag ko,paglabas ko nakita ko si Nate na nakasmile sakin. Binuksan nya yung pinto tapos pinapasok ako sa loob,sya yung nagdadrive dahil nasa tamang edad na sya,sa unahan ako pumwesto dahil ang panget naman kung sa likod,alone -.-

"Bakit sinundo mo pa ko?"-me

"Wala lang. Hahaha! Masa ba? Pft"-nate

"Sinabi na sayo ni Dylan yung nangyari kahapon no? Tss -.- Yung isang yun talaga. Hahaha"-me ,syempre it was a fake laugh -.-

"Wag ka ngang tumawa kung hindi ka naman talaga masaya -.- Tss! Ang plastic eh"-nate

"Eh anong gusto mo? Umiyak ako? Hahahaha"-me ,again fake laugh -.-

"Oo,umiyak ka lang hanggang sa mawala yung sakit na nararamdaman mo"-nate

Tumawa ako tapos di ko na pala na pigilan at naiyak na pala ako. Bwiset na tubig yan,panira ng mata -.- Tinigil ni Nate yung kotse nya sa isang tabi tapos pinatay nya yung engine at pinat ako sa balikat ko pero inalis ko yung seatbelt at niyakap sya.

"Nate! Ano bang nangyayari?"-me

Hindi sya sumasagot tapos niyakap nya lang ako habang pinapat yung likod ko. Bakit hindi nalang ulit si Nate? Hindi ba pwedeng sya nalang ulit? Bakit ba ko nasasaktan? Oo,alam ko gusto ko na sya pero gusto lang naman ah? Pero bakit parang sobrang OA ko? Diba? Tss -.- Bwiset talagang aircon ng sasakyan ni Nate,masakit sa mata. Lol -.-

Tumigil na ko sa pagiyak tapos binigyan ako ni Nate ng panyo kaya nagpunas na ko at suminga syempre XP

"Thank you"-me (Sabay abot nung panyo)

"Sige sayo na lang. Hahaha"-nate

"Ang arte mo. Hahaha"-me

Tumawa kami tapos nagstart na ulit syang magdrive. Nagkwentuhan nalang kami on the way school para wala na kong maisip na kung anu-ano. Hanggang sa makarating kami sa school at nagpark na sya ng sasakyan. Pinagbukas nya ko ng pinto tapos biglang may nagpark na nasa right side namin,pamilyar yung sasakyan.

My Angel (ON HOLD)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora