(*˘︶˘*)~。.:*♡
Bawat patlang sa pagitan ng aking mga daliri,
Umeeksato ang kamay mo sa pagpunan ng mga pagitan nito,
Kung titignan mo'y parang nakatadhanang idisenyo,
Sakto ang sukat at kumportable sa paghawak nito.Pinupunan nito ang bawat patlang,
pinupunan mo ang bawat pagkukulang,
Bawat hawak ramdam ang kaligayahan,
Na animo'y hahawakan mo ako at hindi na bibitawan.Pakiramdam na ikaw na ang nakalaan,
puso natin ay sa isa't isa lang ang pagbibigyan,
Kinuha ko sayo ang kabiyak nito at aalagaan,
mamahalin
--pagaalala'y aalisin,
Na kung iyong iisiping ika'y lolokohin,
ipinapangakong iyon ay hinding hindi gagawin.
![](https://img.wattpad.com/cover/248700924-288-k8532.jpg)