Sigaw

7 1 2
                                    


Bawat salitang binitawan,
Para sa akin nga ba ang mga yan?
Bakit walang katapusang pagdurusa?
Bakit pilit isinisiksik sa akin ang sakit at  paghihirap – para sa akin nga ba?

Walang katapusang sigaw,
Sa apat na sulok ng silid umaalingawngaw,
Kailan ko mahahanap ang bintana?
Dahil sa pintuang dapat kong labasan ay walang pag-asa.

Bakit kailangang pasanin lahat?
Hindi ba puwedeng hatiin ng patas?
Marami pa ang mga tanong ngunit hindi nagiging sapat—
— mga kasagutang sa pagsigaw inilalabas.

Paghihirap,
Paghihirap,
Paghihirap.

PoemsWhere stories live. Discover now