Hindi na alam kung saan pupunta,
Sa dilim na nasa harap ko'y wala akong makita,
Ako ba ay naliligaw na?
O sadyang di ko lang kayang buksan ang aking mga mata para makita ang nasa harap kona.Hindi na alam kung anong nararamdaman,
Pagod na sa problemang pinapasan,
Ayaw ng tumanggap ng emosyon ang aking katawan,
Masyado ng sobra para dagdagan.Kumakapa sa dilim,
Lahat ng nakapaligid ay nasa ibabaw habang ako'y nasa ilalim,
Hanggang kailan ko ba ito kikimkimin?
Pagod na ko masyado para bitbitin ang mga kakailanganin.Iniisip na ang linya ay putulin,
Gawing tuwid habang ang tunog na nakakarindiy dinggin,
Sa tuwing haharap ako sa salamin,
Walang buhay na mga mata'y diretso lang nakatingin.#latekasinatulognakokagabi
#🙂