Hakdog:

11 2 0
                                    

Tutuloy pa ba?
O susuko na?
Nakakapagod na,
Ang sakit sakit na.

Eto ako,
Hubad na nakatayo sa harap nyo,
Makikita nyo ang mga parteng nagsasabing hindi ako perpekto,
Matatanggap nyo pa ba ako?

Isa nanaman ba kayo sa mga taong magsasabi ng kung anong gagawin ko?
Para bawat galaw walang pagkakamaling makikita,
Pero nakikita nyo ba aking mga mata?
Kakikitaan paba ito ng senyales na ako'y masaya?

Hindi pa ba sapat na nakikita nyo ang bawat parteng bumubuo sa pagkatao ko?
O baka hindi nyo lang talaga kayang tanggapin kung sino ako,
Mas pipiliin ko pa atang maging totoo,
Kesa magsinungaling at magpanggap sa harap nyo.

PoemsWhere stories live. Discover now