Nasa mga kamay nyo ang makina,
Ginagamit upang mapasunod sa ninanais ipagawa,
Minsang ninais na magdesisyon magisa,
Hindi alam kung ito ay tama ba,
Hindi pa nasisimulan ang isang hakbang,
Umaangal agad at pilit pinipigilan,
nais kong matuto,
Nais kong maranasang magdesisyon para sa sarili ko,
Hindi sinasabing wag akong pakielaman,
Ang gusto kolang naman ay inyong suportahan.=^._.^= ∫
