Bintana:

10 1 2
                                    


♡´・ᴗ・'♡

Tulalang nakatanaw,
Sa kalangitang unti unting kumukulay dilaw,
Laman ng isipan ay tanging ikaw,
Makakapiling ka ba pagdating ng araw?

Unti unting tumataas ang buwan,
Unti unting natatanaw sa kaitaasan,
mga bituin sa kalangitan,
Nagniningning at nagkikislapan.

Buwan ay nagmimistulang ikaw,
Minsan buo at minsa'y di matanaw,
Minsan kalahati at minsa'y gasuklay,
Ngunit kahit ganto'y mamahalin ka ng buo at tunay.

~A&S

PoemsWhere stories live. Discover now