Kapag ba nawala ako sa piling mo,
Mangungulila ka ba sa bawat halik ko?
Sa presensyang laging nakaantabay sayo,
Sa bawat segundong pangungulit ko?Sa tingin mo ba karadapat dapat ako sa pagmamahal mo?
Kahit isa ako sa nagpapasakit ng iyong ulo,
Maaari bang sa kabila nyan ay hindi mo ko iwan at tupadin ang iyong bawat pangako?
Pwede bang ako ang makasama mo sa bawat pagabot ng pangarap mo?
Mas gugustuhin ko atang ako ang humawak ng kamay mo,
Habang nakangisi at pinagmamalaking nakamit na ang lahat ng iyong gusto.
