Chapter 30: Is this the end?

9 2 0
                                    


[CHAPTER 30]

Tinahak namin ang mahabang pasilyo ng ikalawang palapag at nagtingin-tingin sa paligid namin. Paano naman Kaya namin mahahanap ang kayamanan? Saan naman Kaya nila iyon itinago? Kung sa mga silid, kailan pa namin iyon makikita Kung ganito kalaki Ang hotel na ito at napakaraming silid pa ang laman nito.

"Bilisan niyo," sabi sa amin ni Daniel nangunguna sa paglalakad. Hindi katulad kanina na halos gumapang na kami para hindi mabangga, ngayon ay may ginagamit na kaming flashlight para maliwanagan ang paligid at daanan namin. Hindi nga lang ligtas na gumamit kami ng ilaw dahil baka mas madali kaming mahanap ng mga killer na humahabol at naghahanap sa amin.

Maingat at tahimik ang bawat lakad namin. Napagusapan na rin namin na palihim kaming bumaba sa unang palapag at doon magtago. Siguro naman ay iisipin ng mga killer na umakyat pa kami ng mga palapag para makalayo sa kanila.

Narating na namin ang pintuan Kung saan bubungad sa amin ang hagdanan. Binuksan ito ni Daniel at naunang pumasok. Pababa na sana kami papunta sa unang palapag nang bigla kaming napatigil ng mga kasama ko.

"Atras!" mahinang usal sa amin ni Daniel at kaagad nitong pinatay ang ilaw ng flashlight na hawak niya.

Dahil sa paglamon sa akin ng kaba nang makita namin ang sinag na nanggagaling sa flashlight ay kaagad akong nauna sa pag-akyat sa ikatlong palapag. Sinubukan ko rin na maging maingat sa paghakbang para hindi ako makagawa ng ingay pero dahil sa kaba ay halos tumakbo na ako. Maging ang mga kasama ko ay binilisan Ang pag-akyat dahil narinig namin ang pagsunod sa Amin ng killer.

Mabilis kong binuksan ang pintuan ng ikatlong palapag at nagpatuloy sa pagtakbo.

"Dito tayo!" sigaw ko sa mga kasama ko. Mas binilisan ko rin ang takbo ko at naghanap ng pwedeng mapagtataguan. Kahit naman papaano ay may naaaninag ako sa paligid ko at sa direksiyon na tinatahak ko.

Tumigil ako sa pagtakbo ko at sumandal sa dingding ng kinaroroonan ko. Tumingin ako sa direksiyon na tatahakin ko at nang masiguro na ligtas Ito ay muli akong nagpatuloy.

"Tara na," pag-aya ko sa mga kasama ko. Pero kaagad akong napatigil at napalingon sa likod ko nang Wala akong nakuhang tugon. Ganon na lamang ang pagkagulat ko nang Wala sina Daniel at Wolf sa likod ko.

Napamura at napasabunot ako sa sarili ko. Ang tanga ko naman para hindi namalayan na naihiwalay na pala ako sa mga kasama ko.

Muli akong naglakad pabalik at sinilip kung naroon ang naghahabol sa amin. Pero halos isumpa ko na ang sarili ko nang makita ang taong nakaitim na papalapit na sa kinaroroonan ko. Nakita ako nito at kaagad na tumakbo sa pinagtataguan ko.

Wala naman akong nagawa kundi ang tumakbo. Pero dahil masakit pa rin ang paa ko, naabutan niya ako.

Nahawakan nito ang isa kong braso kaya sinipa ko siya sa maselang parte ng katawan niya at hinampas siya gamit ang baseball bat na hawak ko. Pero dahil sa malaki nitong pangangatawan, parang hindi siya nasaktan sa ginawa ko. Napatingin lamang siya sa braso niya na duguan na ngayon dahil bumaon doon ang patulis na nasa dulo ng baseball bat.

Hinila nito ang buhok ko dahilan para mapadaing ako. Mabilis din niyang inagaw ang hawak ko at itinapon iyon sa malayo.

"Nakaligtas man kayo sa ibang mga laro, pwes sa amin, hindi na!" sigaw nito sa akin na tila galit na galit. Bakas sa tono nito ang pagkasabik na pumatay.

"Bitawan mo ako!" singhal ko. Pero mas lalo lamang nitong hinila ang buhok ko na nagpapangiwi sa akin.

Sunod niya akong sinuntok sa sikmura na halos ikamatay ko na sa sobrang sakit. Binitawan niya ang buhok ko nang maramdaman nitong hindi ko na Kaya pang tumayo. Bumagsak ako sa sahig habang hawak-hawak ang sikmura ko na sobra ang sakit. Hindi pa siya nakontento ay sinipa pa niya muli ang tiyan ko.

Gusto kong sumigaw ng tulong pero hindi ko na magawa. Parang gusto ko na lang din na mawalan ng malay at hindi na isipin pa ang pwedeng mangyari sa akin.

"Tumayo ka diyan," sabi sa akin ng lalakeng bumubugbog sa akin at hinila ako patayo. Para na akong lantang gulay dahil Wala na akong lakas pa.

Sinubukan ko siyang sipain at kalabanin pero nakatanggap lang ako ng isang malakas na sampal. Minsan pa ako nitong sinuntok sa sikmura at saka tinulak sa dingding dahilan para mauntog ako doon. Kaagad akong bumagsak sa sahig at naramdaman ko ang mabilis na pagdaloy ng dugo sa noo ko.

Muli kong naramdaman ang paghawak ng lalake sa braso ko pero mabilis din niya itong nabitawan na ipinagtakha ko. Pero Wala na akong lakas pa para gumalaw.

Narinig ko ang pagdaing at yabag ng tila naglalaban. Sunod non ay tila may mabigat na bagay na bumagsak sa sahig.

"Alexandra!"

Muli akong napamulat nang may humawak sa magkabila kong balikat at pinahiga ako nito sa kaniyang hita. Nagtatakha man ay napangiti ako nang maaninag ko ang mukha niya.

"Alexandra! Nandito na ako, please 'wag kang pipikit. Ilalabas Kita dito,"

Gusto ko mang sumunod sa sinabi ni kuya Junix, naramdaman ko na nilalamon na ako ng kahinaan ko.

Before everything went black... I asked to myself...

Is this the end?

LA MONTERO HOTELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon