Chapter 31: Claim the prize

10 2 0
                                    


[CHAPTER 31]

THIRD PERSON'S POV

"Kailangan nating hanapin si Lex," mahinang saad ng binatang si Wolf sa kasama nitong si Daniel.

Mabilis naman na inilibot ng huli Ang ilaw ng flashlight na hawak niya sa kanilang paligid. "Bakit ba kase siya humiwalay sa atin?" tanong ni Daniel habang hinahanap ang kanilang kasama na nawawala na si Lex.

Kung hindi pa sana lumingon ang mga ito kanina sa kanilang likuran para tingnan kung nasundan sila ng killer ay hindi nila malalaman na hindi na pala nila kasama si Lex. Nagkahiwalay ang mga ito dahil mas nauuna si Lex at hindi rin nito nilingon ang kaniyang mga kasama bago tahakin ang isang direksiyon.

"Hindi natin alam. Baka tayo ang humiwalay sa kaniya," wika ni Wolf kay Daniel. "Sinubukan nating pigilan na makasunod sa atin ang killer Kaya hindi natin siya nasundan. At ngayon, mukhang siya ang sinundan ng killer." nag-aalala pa nitong dugtong.

"Sige, doon naman tayo sa kabilang direksiyon," suhestyon ni Daniel at naunang naglakad sa kabilang direksiyon ng kanilang tinatahak.

Hindi rin nila alam kung saan nagtungo ang humahabol sa kanila dahil nang pigilan nila ito mula sa hagdan ay nagawa nilang mapabagsak ito at mawalan ng malay. Kaya nakatakbo sila at nagtago. Pero dahil sa laki ng katawan ng killer ay Alam Nila na kaagad din itong magigising.

Muli silang napadaan sa pintuan ng hagdanan nang bigla itong bumukas. Kasabay nilang nagulat ang lalakeng una nilang pinabagsak sa isang silid na pinanggagalingan nila mula sa unang palapag. Ang lalakeng nakaitim ang unang nakabawi mula sa pagkakagulat at kaagad na hinampas si Daniel sa kamay nito. Tumilapon ang flashlight Mula sa malayo at tumama Ang ilaw nito sa direksiyon na kanilang tutunguhin.

Dahil sa sakit na naramdaman ni Daniel sa kaniyang kamay ay bumagsak siya sa sahig at nagsisisigaw sa sakit. Kaagad naman na naalarma si Wolf at hinampas ang kalaban gamit ang pamalo na nakuha niya sa kaniyang kalaban mismo. Pero hindi man lang nito napadaing ang kalaban. Sunod na inihanda ni Wolf ang patalim na hawak niya at tangka na itong isasaksak sa killer nang mahawakan ng kaniyang kalaban Ang kamay nito. Malakas na suntok sa sikmura Ang iginawad Kay Wolf dahilan mapaubo at mabitawan nito Ang patalim dahil sa panghihina. Isa pang suntok sa sikmura at mukha ang natamo ni Wolf bago ito tuluyang bumagsak sa sahig.

Nang mapansin ng kalaban na nanghihina na si Wolf na napapasuka na rin ito ng dugo ay sunod niyang pinaglaruan si Daniel. Parang kalat na pinulot nito si Daniel mula sa sahig at pilit itinayo. Sinubukan manlaban at sipain ni Daniel ang kalaban pero mabilis itong nakatanggap ng magkasunod na suntok. Nang mapayuko si Daniel dahil sa panghihina ay ginawaran pa siya ng kalaban ng isang siko sa kaniyang likuran. Nanghihinang bumagsak si Daniel sa sahig kasama si Wolf at nagsusuka na rin ito ng dugo.

Ilang saglit pa, pinulot ng kalaban ang patalim na nabitawan ni Wolf at dahan-dahan na lumapit sa dalawang binata na nais nitong patayin. Kasabay nito ay ang pagdating sa pasilyong iyon ng binatang si Junix habang buhat-buhat si Lex na wala pa ring malay. Nagulat Ito nang makita ang lalaki na may hawak pang patalim habang palapit sa dalawang binata na hindi naman niya kilala. Pero nang namukhaan niya ang mga ito ay kaagad niyang nalaman na kasamahan Ito ni Lex sa pagsali sa laro.

Mabilis at maingat nitong ibinaba si Lex sa sahig at hinawakan ng mahigpit ang hawak na baseball bat na mayroon pang mga patulis sa dulo. Dahan-dahan itong lumapit sa gawi ng kalaban. Pero dahil sa sobrang katahimikan ay naramdaman ng lalaki Ang presensiya ni Junix. Ngunit bago pa man ito makaharap Kay Junix ay tumama na sa kaniyang likuran Ang mga patulis na nasa dulo ng baseball bat na inihampas sa kaniya ni Junix. Mabilis na dumanak ang dugo niya mula dito dahilan ng kaniyang panghihina at hindi na nagawa pang tumayo. Binitawan ni Junix ang baseball bat na hawak at binigyan ng malakas na suntok sa mukha ang kalaban para mawalan Ito ng malay.

Nanghihina naman na nag-angat ng paningin sina Wolf at Daniel para tingnan Ang taong kumalaban sa kanilang kalaban.

"Sino ka?" Nanghihinang tanong ni Daniel at pinilit na tumayo. Tinulungan din nito si Wolf na halos Wala ng lakas.

"'Wag kayong mag-alala, hindi ako kalaban. And I guess, this shit is over. I'm just here to save Lex," wika ni Junix sa dalawang binata at tumingin kay Lex na nakahiga sa sahig sa dulo ng pasilyong kinatatayuan nila.

"Pero hindi pa natin nahahanap ang sinasabi nilang kayamanan," saad naman ni Wolf na mukhang ang makukuha pa rin nila ang iniisip nila sa kabila ng bugbog na natamo niya.

"Don't worry, I know where it is. Nahanap ko kanina sa lugar kung saan nila ako ikinulong. Kung gusto niyo, sa inyo na iyon ng buo," muli namang wika ni Junix. "At kung ano man ang ginawa niyo para makaabot si Lex hanggang dito, salamat." simpleng pasasalamat nito sa mga kausap at kaagad na tumalikod para puntahan si Lex.

Ang totoo ay nahanap niya sa opisina ni boss Alpha ang kinaroroonan ng $1, 000, 000 na siyang premyo o kayamanan na hinahanap ng mga hunters o manlalaro. Bago pa man niya masagutan ang bugtong at mahanap ang susi ng silid na iyon ay nauna niyang napansin ang nag-iisa at kakaibang parte ng sahig sa opisinang iyon. Dala ng pagtatakha ay sinuri niya Ito. Nang marinig ang kakaibang tunog nito na tila walang lupa sa ibabaw ay walang pag-aalinlangan niya itong sinira. At katulad nga ng kaniyang inaasahan, naroon ang kailangang hanapin ang mga sumali sa laro.

Sabay-sabay silang bumaba ng hotel at sa kabila ng pag-aakala nilang tapos na ang laro, naging alerto at maingat pa rin sila sa kanilang paligid. Sinabi man sa kanila na umalis at wala sa hotel ang owner ay Wala itong kasiguraduhan dahil maaaring Isa lamang iyong patibong para sa kanila.

Samantala, palihim na tumakas Ang hotel owner na si boss Alpha kasama si Loraine at maging ng mga iba nitong tauhan. Sumakay Sila sa kanilang mga sasakyan at umalis na tila walang tinatakasan.

Alam ni boss Alpha na mabubuhay at matatapos ng tatlong natitirang manlalaro Ang lahat. At kapag nangyari iyon, maaaring magsampa ng kaso ang mga ito sa pulisya. Magsasara ang La Montero Hotel at maari pa siyang ipakulong.

Kaya pupunta na ito sa malayo at tatakasan Ang mga kasalanan para muli niyang maipagpatuloy Ang kaniyang kasamaan.

LA MONTERO HOTELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon