Chapter 4: The School

15 2 0
                                    

[CHAPTER 4]

Naalimputangan ako nang may umalog sa akin. Pagmulat ko ng mga mata ko ay bumungad sa akin ang mukha ng magandang babae.

"May announcement sila," sabi niya sa akin at tinabig ang paa ko na nakapatong sa couch. Hindi ko pinansin ang inasta niya at naupo na lamang ng maayos mula sa pagkakahiga.

Nakatulog pala ako.

Mukhang handang-handa na ako sa mga laro at sa treasure hunting.

"Listen, it's already 9:30. And you only have 30 minutes to ready yourself," anunsiyo ng babaeng nasa gitna. May mga kasama siyang tatlong babae sa kaniyang likuran na nakatindig ng tayo. Kung hindi ako nagkakamali, siya 'yung nakasama ko kanina.

9:30? Ayst! Gabi na pala. Sana lang hindi ako hanapin sa bahay. At saka, akala ko naman kung 'yung mismong owner ng hotel ang kakausap sa amin. Pinaghintay pa kami kanina sa pagdating ng amo nila, e 'yung oras lang naman pala ang dapat hintayin.

Tsk.

Napatingin ako sa sahig nang mapansin ang mga naroon na nakabalot sa plastic. Mukhang mga damit. May mga nakapatong din na mga flashlight sa bawat plastic.

Aanhin naman kaya namin ang mga iyon?

"These will be your uniforms. At itong nga flashlights lamang ang pwede ninyong dalhin," anunsiyo muli ng babaeng kauri ni Farah.

"Akala ko ba ibibigay niyo lahat ng kailangan namin? Malay ba namin kung may mga mamamatay tao sa loob ng hotel na ito. Anong ipanlalaban namin? Iyang mga flashlights?" walang tigil kong salita. Hindi ako papayag na walang dadalhin na weapon.

"'Wag kang mainip Ms. Cassaneo," sabi sa akin ng babaeng kauri ni Farah. Napa-irap na lamang ako sa kaniya. "Magkakaroon ka kung gugustuhin mo." dugtong pa niya na binalewala ko na lamang.

Ang dami pang satsat. Bakit hindi pa simulan para makauwi na ako.

"Kapag nakahanda na kayo, pumunta na kayo sa nakahandang sasakyan sa labas." muli nilang anunsiyo na ipinagtakha ko.

"Teka. Saan tayo pupunta? Bakit may sasakyan?" kunot noo kong tanong. Napapatingin na rin sa akin ang mga magiging kaagaw ko sa premyo. Pero hindi lang naman iyon ang habol ko dito, gusto ko ring punan ang pagtatakha ko. Kung ano ba ang tunay na nangyayari at bakit sinasabi ng karamihan na maraming nawawala dahil lamang pumasok sa hotel na ito. E ang ganda naman.

"We're going to School- the first level of the treasure hunting," nakangiti nilang sagot sa akin. Pero sandali, hindi ko maintindihan.

"Kung ganon, hindi lang iisang araw magaganap ang mga laro?" tanong ng isa sa mga kasamahan ko.

"That's right. At saka nakasaad sa invitation letter, di'ba? Matatapos ang lahat kung matatalo na ang lahat. Ibig-sabihin, walang mananalo."

"Manood ka," pagtataray ko.

Akala mo naman kasi kung mananalo siya kapag siya ang sumali. Ang payat-payat naman.

Ngumiti lamang sa akin 'yung payat na matangkad na kauri ni Farah at naglakad na palabas ng silid kasama ang tatlo pa niyang kasama. Nagsimula naman na kumuha ng kaniya-kaniyang damit at flashlight ang mga makakasama ko at kaagad na isinuot ang mga ito. May restroom naman ang silid na pwedeng pagpalitan ng damit.

Hindi ko akalain na magiging ganito karami ang sasali sa 'treasure hunting' na ito. Siguro nasa bente singko kaming lahat. Sa tantya ko, mas marami ang babae kaysa lalake. Huh! Patunay ito na pumapantay sa katapangan ang mga babae sa lalake.

Dahil ayaw kong makisingit sa kanila, nanatili na muna ako sa kinaroroonan ko. Napatingin ako ng masama sa lalakeng binangga ko kanina lamang ng masumpungan ko siya. Tahimik lamang siyang nakaupo sa katabing couch ng inuupuan ko at paminsan niyang inaalis at nililinis ang salamin niya sa mata.

Tama ako. Gwapo siya.

Pero hindi ko pa rin nakakalimutan 'yung ginawa niya. Ipinahiya niya ako sa harapan ng lahat ng kasama namin dito sa loob.

Hindi iyon katanggap-tanggap!

Tsk! Makakabawi din ako.

***

Pinaandar na ang sinasakyan naming bus nang maupuan na ang bawat upuan sa loob. Kaagad naman na sumunod ang isa pang bus na sinakyan ng iba.

Kasama namin 'yung payat at matangkad na babae habang iyong iba naman ay sa isang bus. At kung minamalas naman ako, nakatabi ko 'yung lalakeng binangga ko kanina.

Kung ako naiinis na kanina pa, siya naman chill lang. Nakakainis lang, sa dinami-dami ng pwede kong makatabi, bakit siya pa?

Ako ang nasa tabi ng bintana. At dahil pakiramdam ko hindi ako napapansin ng katabi ko, ganon na rin ang ginawa ko. Binalewala ko na lang din siya at ipinikit ko ang mga mata ko.

Alam kong magiging dilikado ang ginawa kong ito. Baka posible nga na nawawala at namamatay ang mga pumapasok sa La Montero Hotel at nagkakaroon ng koneksiyon dito. Pero dahil kagustuhan ko ito at hindi naman ako naniniwala sa mga sinasabi ng iba, magpapatuloy ako.

Naging tahimik ang buong biyahe at payapa kaming nakarating sa paroroonan namin. Bumaba kaming lahat mula sa bus nang tumigil ito at muling nagtipon-tipon. Napakadilim ng paligid. Tanging ang mga dala na lamang naming flashlight ang nagbibigay liwanag sa paligid namin.

Paano na lang kaya kapag nalowbat ito?

Sinundan ko ng tingin ang dalawang babaeng nakaitim na kasama nung payat at matangkad na babae. Napansin kong may pinuntahan sila matapos silang kausapin nung babaeng matangkad na mukhang nakatataas sa kanila. Namangha ako nang makita ang tinungo nila. Napakataas na gate. Iyon na ba ang school?

"This treasure hunting included other games, remember?" tanong sa amin ng nakatataas sa kanila dahilan para mawala sa dalawa ang atensiyon ko. "So, goodluck!"

"Excuse me," pahabol ng isa sa mga magiging kasama ko. Mataba siya at hapit na hapit na sa katawan niya ang suot niyang black hoodie jacket na uniporme namin. Maging ang jagger pants niya na katulad ng suot namin, naging fitted pants na niya.

"Just call me Loraine," sa wakas ay pakilala ng babaeng payat at matangkad. Kanina pa siya salita ng salita sa harapan namin pero hindi pa siya nakapagpapakilala.

"Paano ang kakainin namin?" tanong ng matabang makakasama ko na ikinangiwi ko.

Iyon pa talaga ang iisipin niya?

"You'll know later. Just do what you need to do and your questions will be answered," tugon naman sa kaniya ni Loraine kuno.

"Ano ba ang kailangang gawin?" tanong ko. Ano bang klaseng mga laro ang magtuturo sa amin papunta sa kayamanan?

"Past through the challenges," sagot sa akin ni Loraine at inilahad niya ang kaniyang palad na tila pinapatuloy na kami sa paaralan na ngayon ay nakabukas na ang gate.

So, this is the first level of the game.


LA MONTERO HOTELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon