Chapter 12: A survivor

9 2 0
                                    


[CHAPTER 12]

LEX

Bata pa lamang ako noong una akong makakita ng ahas. Akala ko, mababait sila. Nagre-quest pa nga ako noon kay daddy kung pwedeng mag-alaga. Sinabi ko pa na kung pwede ay 'yung sinlaki ko na pwede kong sakyan.

Sobrang tanga ko noon.

Pumayag noon si daddy at binilhan niya ako ng alagang ahas. Hindi nga lang katulad ng request ko at nakakulong pa ito sa isang malaking salamin. Sa sobrang katangahan ko, sinubukan kong makipaglaro sa ahas. Binuksan ko ang kulungan niya at bigla na lamang niya akong tinuklaw.

Until then, natakot na ako sa ahas.

Napakasabaw ng utak ko noon.

Tapos ngayon, nakaencounter ko ulit ang kinatatakutan ko. Halos manigas na ako sa kinatatayuan ko habang nakapikit at pilit ikinakalma ang sarili para hindi ako tuklawin ng ahas na patuloy ang pag-ikot sa paanan ko.

Gusto kong sipain si Wolf sa kaniyang mukha. Kanina pa siya nakatayo sa harapan ko may kaonting layo sa akin habang nakikisabay sa pagpapanic ko.

Magpasalamat siya at hindi ko kayang sumigaw dahil baka magulat ko pati ang ahas.

Halos maihi na ako sa takot, sa totoo lang. Kung hindi rin lang kase duwag ang kasama ko.

"Wolf..." nangangatog na ang tuhod ko sa takot. Mas lalo pa ang panginginig ko kapag naririnig ko ang sagitsit ng ahas na nasa paanan ko.

"Tingnan mo, may susi sa buntot ng ahas!" gulat na saad ni Wolf at bahagya pang itinuro ang ahas na nasa paanan ko dahilan upang humarap sa kaniya ang ahas.

Tila tumigil ang paghinga ko nang dahan-dahang umaalis ang ahas na nakapulupot sa paa ko. Kay Wolf na ito nakatingin na tila nakakita ng mabibiktima. Bago pa man ito tuluyang makalapit sa kaniya ay inunahan na ni Wolf na hampasin ito sa ulo gamit ang hawak niyang baseball bat. Pero mukhang napunta sa kaniya ang kamalasan ko ngayong araw dahil hindi niya ito tinamaan at mas lalo pa niyang nagalit ang ahas.

Sa takot ay dahan-dahan akong umatras para hindi ko maagaw ang atensiyon ng ahas. Ini-angat ng ahas ang kaniyang ulo na tila handa na nitong tuklawin si Wolf.

"Hampasin mo na!"

Sa ginawa kong pagsigaw ay tila nataranta ko si Wolf. Kaagad niyang hinampas ulit ang ulo ng ahas at sa pagkakataong ito ay nasapul niya. Bumalikwas sa gulat ang ahas at sinubukan nitong gumapang palayo pero muli itong pinaghahampas ni Wolf.

Nagawang mapatay ni Wolf ang ahas at kaagad niyang kinuha ang susi na nakatali sa buntot nito.

"Para sa yate 'to," tila siguradong wika ni Wolf.

"Bakit hindi mo tinanggal ang ahas kanina sa paanan ko?! E kung tinuklaw ako?!" galit kong sigaw kay Wolf.

Napatingin naman ito sa akin at tila hindi ko nasindak. "Hindi ka naman niya tinuklaw at hindi iyon makamandag," simpleng sabi ni Wolf sa akin na parang nagpadilim ng paningin ko.

"Baliw ka na! Paanong hindi iyon makamandag kung dito siya sa gubat nanggaling?!" sigaw ko.

Pero tiningnan lamang ako ni Wolf. Napangiwi na lamang ako nang bumaling na siya sa paligid namin na parang walang kasalanan sa akin. Padabog akong tumalikod sa kaniya at naglakad palayo.

"Saan ka pupunta?"

"Wala kang pakealam!" bulyaw ko kay Wolf.

Nakakainis lang!

Mas mabuti na munang lumayo ako sa kaniya dahil baka maihampas ko sa kaniya ang hawak ko.

At wala na rin akong pakealam Kung makaencounter ulit ako ng ahas. Kaya ko namang humampas katulad ng ginawa ni Wolf. Hindi ako makakapayag na matuklaw ulit ako ng ahas.

"Tulong! May tao ba diyan?!"

Napatigil ako sa paglalakad ko nang may marinig akong mahinang sigaw sa paligid ko. Napatingin ako kay Wolf na nasa likuran ko at mukhang maging siya ay narinig iyon.

Naglakad palapit sa akin si Wolf at mga katok ang sunod naming narinig sa paligid.

"May tao diyan?! Tulungan niyo ako!" muling sigaw sa paligid.

Kahit nagtatakha ay inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Bakit naman kaya may kumakatok? Wala namang bahay dito na yari sa kahoy para pwedeng katukin.

Napayuko ako nang maramdaman kong tila yumanig ang inaapakan ko. Dala ng pagtatakha, tinadyakan ko ng dalawang beses ang kinaroroonan ko at sumunod non ang muling pagkatok at pagsigaw ng tulong.

"May tao diyan? Tulungan niyo ako, nandito ako sa loob!"

Gulat kaming nagkatinginan ni Wolf dahil sa narinig namin.

May taong nakakulong sa loob ng lupa!

Kaagad naming hinawi ni Wolf ang mga halaman at tabla na tila ginawang panangga sa mga halaman ang bumungad sa amin na ipinagtakha ko.

"Nakakahinga ka ba?" tanong ni Wolf sa taong nasa loob.

"Oo,"

"Sige! Susubukan naming tanggalin itong mga nakatakip!" muling sigaw ni Wolf upang marinig ng taong nasa loob.

Sinubukan nga na tanggalin ni Wolf ang mga tabla pero hindi sapat ang lakas niya para mahugot ang mga ito na mukhang nakabaon na sa lupa.

"May butas dito!" Napalingon ako sa kanan ko nang sumigaw ang taong nasa loob at kasabay non ay ang paglabas ng kaniyang kamay mula sa isang butas ng tabla.

Kaagad na pumasok ang isang ideya sa isipan ko. Ipinasok ko mula doon ang baseball bat na hawak ko at mabilis naman iyong kinuha ng taong nakakulong sa ilalim.

"Subukan mong gamitin 'yan para matanggal ang mga tabla!" wika ko at umalis sa ibabaw ng tabla. Sinabihan ko rin si Wolf at mukhang sang-ayon naman siya sa suhestyon ko.

Grabe! Mukhang may nakaligtas mula sa mga naunang manlalaro ng treasure hunting na ito.

LA MONTERO HOTELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon