Chapter 25: A Cave

8 2 0
                                    


[CHAPTER 25]

Tumakbo kami pabalik sa batuhan kung saan papunta sa talon na pinaggalingan namin ni Daniel kanina. Si Wolf ang umaalalay sa akin habang nauuna naman si Daniel sa pagtakbo.

Kung dala lang sana namin 'yung mga baseball bat edi pwede sana kaming makipaglaban. O hindi kaya ay hindi ganito kabilis ang pagtakbo namin dahil sa takot. Ngayon ko lang napagtanto na naiwan namin ang mga baseball bat sa gubat na pinaggalingan namin bago pumunta dito sa isla.

"Bilisan niyo!" Sabi sa amin ni Daniel. 

Mabilis kaming bumaba mula sa malaking bato papunta sa patag na bato sa harapan ng talon. Kahit maingay ang tubig na mahuhulog Mula sa itaas ng talon ay dinig na dinig pa rin namin ang mga hiyawan ng taong cannibal na tila nasasabik na mahuli kami.

"Tara na!" pag-aya ko.

Pero nagulat kami ni Wolf nang hindi sumunod sa amin si Daniel. Nanatili lamang siyang nakatayo sa harapan ng napakalamig na tubig ng talon. Madilim pero dahil sa liwanag ng kalangitan ay medyo naaaninag namin ang paligid namin.

"Daniel! Nandiyan na sila!" tawag namin sa kaniya ni Wolf. Tinangka pa namin siyang hilain pero pinigilan niya kami.

"Pumasok tayo sa loob ng talon!" saad sa amin ni Daniel na ikinagulat namin pareho ni Wolf.

"Baliw ka na ba?!" sigaw ko. "Tara na! Mahuhuli nila tayo!" sunod ko pa.

Tumingin ako sa mga puno na naiilawan na ng sinag ng apoy, senyales na malapit na sa amin ang mga humahabol sa amin. Kung hindi kami mamamatay sa mga taong cannibal, baka mamatay naman kami sa pagkakalunod dahil sa suhestyon ni Daniel.

"May kweba sa loob ng talon!" muling sigaw sa akin ni Daniel para marinig namin. Itinuro niya rin ang kabilang bahagi ng pinagbabagsakan ng tubig na nanggagaling sa itaas ng talon.

Wala na kaming nagawa pa ni Wolf nang lumusong na si Daniel sa tubig at lumangoy palapit sa gilid ng talon. Kaagad kaming sumunod ni Wolf sa kaniya at sinundan ang tutunguhin niya. Sobrang lamig ng tubig.

Umahon kami sa bato na nasa gilid ng talon at iniwasan na tamaan kami ng tubig na bumabagsak Mula sa itaas. Kasabay ng ilaw ng apoy na bumalot sa harapan ng talon ay saktong nakapasok kami sa loob ng talon. Tama nga si Daniel dahil mayroon ngang kweba dito. Madilim at malamig din. Nasilayan namin ang loob nito nang dumaan ang ilaw ng apoy na dala ng mga taong cannibal.

Naupo ako sa tabi at niyakap Ang sarili ko. Sobrang lamig talaga.

Nakailang libot pa ang ginawa ng mga taong tinataguan namin para lang masiguro na wala kami sa paligid. Hindi na rin namin dinig ang mga ingay nila dahil nananaig sa pandinig namin ang pagbagsak ng tubig na nasa harapan namin.

Ilang saglit pa, unti-unti nang nawawala ang ilaw ng apoy na nagbibigay liwanag sa labas ng kinaroroonan namin.

"Wala na sila," sabi sa amin ni Wolf na siyang sumilip sa labas para tingnan kung nandoon pa ang mga humahabol sa amin.

Tumayo na rin ako Mula sa kina-uupuan ko at lumapit sa kanila. "Hindi ba Sabi mo ay kailangan nating pumunta sa loob ng isang kweba?" tanong ko kay Daniel. "Sinabi mo iyon kanina." dugtong ko pa para maalala niya.

"Bakit anong meron sa isang kweba? At saka nasa kweba tayo," tanong ni Wolf na hindi maintindihan ang itinanong ko kay Daniel.

"Mayroon Kasi kaming nakita kanina na riddle. Diyan sa labas mismo," kwento ko kay Wolf at itinuro sa labas kung saan namin nakita ni Daniel ang bugtong na sinasabi ko. "Ang sabi, ' I speak without a mouth, and hear without ears. I have nobody, yet, I come alive with the wind '. Ano sa tingin mo ang sagot?" tanong ko kay Wolf. Mabuti na lamang at kahit papaano ay naaalala ko pa ang nabasa namin kanina sa kabila ng nakakatakot na paghabol sa amin ng mga taong cannibal.

Bigla namang napa-isip si Wolf at tumingin sa amin ni Daniel. "Echo? Hindi ako sigurado," sagot niya sa amin.

Napakunot naman ang noo ko. Pareho sila ni Daniel ng kasagutan. "Pero anong meron sa 'echo'?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Sa isang kweba ay may echo. Siguro ay kailangan nating pumasok sa isang kweba katulad nito," muling tugon sa akin ni Wolf at inilibot ang kaniyang paningin sa paligid namin.

"Ganiyan din ang sinabi ni Daniel," Saad ko at tumingin na rin sa paligid namin. "Ang tanong, paano natin makikita kung ano ang meron dito Kung ganito naman kadilim ang nakikita natin." Wika ko sa dalawa kong kasama.

Sa labas na lang meron akong naaaninag. Dito sa loob ay tila wala akong kasama dahil sa sobrang dilim.

Napalingon ako sa direksiyon ng mga kasama ko nang marinig ko na ang Isa sa kanila ay may ingay na ginagawa. Kasunod non ay ang pagliwanag ng maliit na flashlight na hawak ni Daniel.

"Ayan, gumana ulit!" nakangiting wika ni Daniel at ipinakita sa amin ang hawak niyang flashlight.

Akala ko ay itinapon na niya iyon kanina nang mawalan ng baterya. Nagloko lang pala ang flashlight na iyon.

"Tara na," pag-aya sa amin ni Daniel at naunang pumasok sa loob ng kweba. Malawak at naglalakihang mga bato ang nakakalat sa loob ng kwebang ito.

Naging maingat kami sa pagpasok dahil hindi namin alam kung ano ang naninirahan sa loob ng kwebang ito. Naging aktibo rin kami dahil baka biglang may umatake sa Amin na isang mabangis na hayop.

Dineretso lang namin ang kahabaan ng kweba papasok hanggang sa marating namin ang dalawang bahagi ng kweba. Nagkatinginan kaming tatlo ng mga kasama ko at tinanong ang isa't-isa kung saang direksiyon ang papasukin namin.

"Hindi tayo pwedeng maghiwa-hiwalay," saad ko sa kanila.

"Sige, sa kanan tayo," suhestyon ni Daniel.

Muli kaming nagpatuloy sa paglalakad at pinasok ang kanang bahagi ng kweba. Pero ilang lakad pa lamang ang ginagawa namin ay muli na naman kaming napatigil nang bumungad sa amin ang tatlong bahagi ng kweba. Tatlong butas na magpapatuloy sa paglalakad namin.

"Mas magandang pumili kaysa tumunganga Lang tayo dito," saad ko sa mga kasama ko na hindi makapaniwala na kailangan na naman naming pumili ng madadaanan.

Sa pagkakataong iyon, ako naman ang pumili. Sa gitnang bahagi ang pinili ko. Nauna akong naglakad para kaagad na silang sumunod. Naging deretso ulit ang daan hanggang sa marating naman namin ang tila katapusan na ng daan na tinahak namin.

Malawak ang paligid at madilim. May mga tubig din sa pagitan ng mga bato na inaapakan namin at malamig ang hangin na mayroon sa loob.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at nalaman na nanggagaling sa katawan ng kweba ang mga tubig.

"Tara, bumalik na tayo,"

"Sandali!" pagpigil ko kay Wolf at Daniel nang pabalik na sila sa pinanggalingan namin.

Lumapit ako sa kakaibang bagay na nakita ko at kinuha iyon. Ganon na lamang ang pagkagulat ko nang makita ang mga ito.

"Isang mapa at susi," gulat kong saad.

Kung ganon, ito na ang huling laro at sasabak na kami sa tunay na 'treasure hunting'.

Hindi na ako makapaghintay na matapos ito.

#

A/N: Nais ko lamang pong sabihin na hindi ko po alam kung totoong may mga cannibal na tao. Ginamit ko Lang po sila sa story na'to base na rin sa daloy ng kwento.

At ang totoo niyan ay hindi ako naniniwala sa mga taong cannibal.

Enjoy reading:)

LA MONTERO HOTELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon