Chapter 27: Shocking truth

9 2 0
                                    


[CHAPTER 27]

Kitang-kita ko na sa mga tauhan ng La Montero Hotel nanggagaling Ang ilaw na nagbibigay liwanag sa daanan namin. Nasa dalampasigan sila at ilang layo lamang Ito sa bukana ng kweba na nilabasan namin. Natatanaw ko na rin ang yate na nasa tabi ng daungan dahil may ilaw ito.

Napamura ako nang bigla akong nadapa dahil natisod ako sa kahoy na nakaharang sa daan namin.

"Tumayo ka diyan, Lex!"

Sinubukan akong tulungan nila Wolf at Daniel para tumayo pero mas lalong sumasakit ang paa ko na tila nabali.

Kasabay ng paglabas ng mga humahabol sa amin mula sa kweba ay ang sunod-sunod na pagputok ng baril. Napadapa kaming tatlo ng mga kasama ko at prinotektahan Ang mga ulo namin.

"Takbo!" sigaw sa amin ng tatlong tauhan na silang mga bumabaril sa mga humahabol sa amin para hindi kami malapitan at makuha.

Kaagad na tumayo ang dalawa kong kasama at inalalayan akong tumayo. Paika-ika ang lakad ko dahil hindi ko matiis ang pagkirot ng paa ko sa tuwing inilalakad ko ito. Nakayuko rin kami dahil sa takot na matamaan kami ng mga putok ng baril.

Nang makalapit kami sa kinatatayuan ng tatlong tauhan ay tumigil sila sa pagpapaputok ng baril. Tila mas lalo akong nanghina nang makita ang apat sa mga kasama namin ay nakahandusay sa harapan nila habang duguan.

"Sumakay na kayo sa yate!" utos sa amin ng isa sa mga tauhan.

"Anong ginawa niyo sa kanila?!" sigaw ko at tiningnan ang mga kasama namin na mukhang tinadtad ng bala ng baril sa katawan.

"Hindi tayo makakaalis dito Kung wala tayong iaalay sa mga hayop na naninirahan dito," kalmado nilang tugon sa akin habang nakatingin sa mga taong cannibal na nagpipigil lumapit sa amin dahil sa takot.

"Kayo ang hayop!" sigaw ko sa kanila.

"Sumakay na kayo Kung ayaw niyong ialay ko rin kayo!"

"Tara na, Lex," pagkumbinsi sa akin ng dalawa kong kasama.

Wala na akong nagawa pa nang magsimula nang humakbang sina Daniel at Wolf na nakaalalay sa akin papunta sa daungan. Nangunguna ang Isa sa mga tauhan sa amin habang naiwan naman ang dalawa.

Hiningi sa amin ng kasama naming tauhan ang susi Kaya kaagad ko naman itong kinuha sa bulsa ko at ibinigay sa kaniya. So, they were expecting na Kung sino man ang lumabas mula sa kweba ay sila ang nakakuha ng susi at mapa. Tsk.

Inalalayan ako nila Wolf at Daniel na umupo sa isang tabi para maipahinga ko Ang paa ko na masakit pa rin. Ilang sandali pa, sumakay na rin ang dalawang naiwan na tauhan kanina at mabilis nilang pinaandar ang yate palayo sa islang pinanggagalingan namin. Sa huling pagkakataon ay napatingin ako sa dalampasigan. Naroon ang kumpulan ng mga taong humahabol sa amin kanina at mukhang pinagpye-pyestahan na ang katawan ng mga kasama namin na walang-awang iniwan namin.

"Masakit pa rin ba ang paa mo?" nag-aalalang tanong sa akin ni Daniel. Hinawakan niya ang kaliwa Kong paa at sinubukan na imasahe ang bukung-bukong (ankle) ko. Pero kaagad din siyang tumigil nang mapadaing ako dahil sa sakit.

"Congratulations! Kayong tatlo ang nakatapos sa mga laro at ngayon ay sasabak na kayo sa tunay na treasure hunting," papuri sa amin ng tauhan na tumatayong lider sa kanilang tatlo. "Maaari kayong pumasok sa loob para magpahinga. Mayroon ding mga pagkain doon." dugtong pa nito at iginaya ang kaniyang palad sa silid na mayroon ang yateng kinaroroonan namin.

"Balak niyo ba kaming lasunin?" seryoso kong tanong. Tiningnan ko rin sila ng masama.

Tinaasan lamang ako ng kilay ng lider nila, "Gusto ko sanang gawin iyan sa iyo, Ms. Cassaneo dahil matabil ang dila mo. Pero hindi pwede dahil sumusunod pa rin kami sa utos," sagot nito sa akin habang nakataas pa rin ang Isa niyang kilay.

"Tara na. Nagugutom na rin ako," pagkumbinsi sa amin ni Daniel.

Muli Kong tiningnan ng masama ang lider ng mga tauhan na nakabantay sa amin bago ako inalalayan ni Wolf na tumayo. Umirap din ako sa kaniya bago kami naglakad papunta sa nag-iisang silid na nasa gitna ng yate.

Pagkapasok namin sa loob ay bumungad sa amin ang kumpletong kagamitan. Mayroon ding malaking kama sa isang gilid at doon ako pinaupo ni Wolf. Bigla ring kumalam Ang sikmura ko nang makita ang napakaraming pagkain na nasa isang lamesa at nasa harapan ko lamang ito.

Walang sinayang na segundo ang mga kasama ko at kaagad na umupo para kumain. Samantala, inilabas ko naman ang mapa na nasa bulsa ko at hinayaan na muna ang gutom ko. Gusto Kong matiyak Kung totoo ba itong mapa dahil hindi ko masyadong naaninag kanina ito dahil sa maliit na flashlight na gamit namin.

Inilantad ko ito sa kama at sinuri ang bawat nakaguhit dito. Maging ang dalawa kong kasama na abala sa pagkain ay napatingin na rin sa mapa.

Napakunot ang noo ko nang makita ang mga nakaguhit sa mapa. Mula sa isang Isla na nakaguhit, may linya na kumokonekta sa tubig-dagat patungo sa isang gusali na may red na ekis.

Gulat akong napatingin sa mga kasama ko at mukhang may pare-pareho kaming naiisip.

"Nasa hotel ang kayamanan" gulat kong saad.

Hindi ako makapaniwala na sa hotel lang din pala kami maghahanap ng kayamanan. Nanggaling na kami doon pero bakit kailangan pa naming pumunta sa ibang lugar para naglaro ng Kung ano-ano. Iyon pa ang naging dahilan ng pagkamatay ng mga kasama namin.

Pero ano naman Kaya ang meron sa hotel na pipigil sa amin para makita ang kayamanan?

LA MONTERO HOTELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon