Chapter 6: Foods in the trap

14 2 0
                                    

[CHAPTER 6]

Nahati sa lima ang grupo namin since hindi namin alam kung ligtas ba ang paligid. Maliban sa flashlight, may kaniya-kaniya na rin kaming mga hawak na kahoy. Tumatak talaga sa isipan namin ang sinabing 'panganib' ni Loraine na nakaabang sa amin.

Apat ang kasama ko ngayon. Tatlong babae at isang... nerd na lalake. Tinatahak na namin ngayon ang unang pasilyo ng gusaling pinasok namin.

Kanina pa sila tahimik sa likuran ko habang nakasunod sa akin. Nakakapit sa isa't-isa ang tatlong babae habang katulad ko naman na naglilibot ng tingin ang lalake naming kasama na nasa pinakalikod.

Ang kinalabasan, para naming pinoprotektahan ang tatlong prinsesa na takot na takot.

Pero kanina ko pa naiisip, tama ba na sinabi ko sa kaniya iyong mga bagay na iyon noong sinadya ko siyang banggain?

Parang ang samasama ko sa part na 'yon.

Pinapatunayan niya ngayon na hindi lahat ng may salamin sa mata ay libro lamang ang kaharap. Tumatahimik kapag inaapi. Hindi ibig-sabihin na kapag mayroong salamin sa mata, duwag at loser na. Sadyang may kondisyon lamang sila sa mata.

Ano ang magagawa ko kung iyon ang paniniwalang kinalakihan ko mula pagkabata? Iyon kasi ang sinasabi noong nag-aaral pa lang ako ng sekondarya.

Pero kapag sinabing 'boring' sila, I agree.

"Ano pala ang pangalan ninyo?" tanong ng isa sa mga babaeng kasama namin.

Napatigil ako sa paglalakad at humarap sa kanila. Nakatingin sa akin ang nasa pinakagitna habang ang dalawa naman niyang kasama ay sa lalakeng nasa likuran nila.

"I'm Elise. Ito naman si Maria at Glenn," pagpapakilala ng nasa gitna sa kanila sa kaniyang sarili at maging sa kaniyang mga kasama.

"Lex," maikli kong tugon.

"I'm Wolf," malamig naman na sagot ng kasama naming lalake.

Napatingin ako sa kaniya. Ang manly ng boses niya at hindi ko ipagkakailang bagay sa kaniya. Matangkad din siya at hanggang leeg lang niya ako.

Muli akong nagpatuloy sa paglalakad at nagtingin-tingin sa paligid. Sana naman tama ang gusaling pinasok namin. Ayaw ko sa lahat 'yong masasayang ang oras ko.

"Alam niyo ba, sumali kami dito para pagkatuwaan lang. Nakakatamad kaya ang magtrabaho," pagsira sa katahimikan ng isa sa mga kasama namin.

Same girl, same. But who cares?

"Hindi namin akalain na nakakatakot pala talaga ang sumali dito." dugtong pa nito. Kung hindi ako nagkakamali, boses iyon ni Elise.

Bakit ang ingay niya? Isubo ko kaya sa kaniya itong hawak kong kahoy.

"Ang sabi nila, napakadilikado raw ang sumali dito. Kung ano-ano raw ang mga makakaencounter dito once na sumali ka. Kaonti lang naman daw ang gagawin each level, iyon nga lang ay dilikado. Kaya magiingat na lamang tayo," muling pag-iingay ni Elise.

Alam na pala nila dati pa na may mga levels ang treasure hunting na ito.

Nagpatuloy lamang kami sa paglalakad at paglilibot ng aming tingin sa mga silid na nadadaanan namin. Narating na namin ang kabilang dulo ng pasilyo pero hindi pa rin namin nahahanap ang class 3, Aphrodite. Saan naman kayang palapag ang klase at seksiyon na iyon?

Nauna akong umakyat sa hagdan papunta sa ikalawang palapag ng gusali at inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng pasilyo. Nasa bungaran din ng hagdan ang hagdan patungo sa ikatlong palapag.

LA MONTERO HOTELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon