Chapter 15: Trap and corpses

10 2 0
                                    


[CHAPTER 15]

Kahit paano ay nawala ang pagkagutom ko. But still, kulang ang tig-tatlong saging na kinain namin. Inutusan ko pa silang maghanap kanina pero umayaw na sila.

Mahirap daw maghanap ng makakain sa gubat na ito dahil mga naglalakihang puno ang sumasakop dito.

Magbakasakali na lang daw kami na merong pagkain sa sasakyang pandagat na sunod naming pupuntahan. Pero ang tanong, may yate nga kaya? May dagat ba talaga sa likod ng gubat na ito?

Pero sabagay, para saan pa ang susi na galing sa buntot ng ahas kung wala namang yate.

Katulad lamang kanina, berde ang karamihang nakikita sa paligid. Wala pa rin akong naririnig na alon, senyales na malapit na kami.

Napatigil ako sa paglalakad ko nang makitang natanggal sa pagkakatali ang sintas ng sapatos ko. "Pakihawakan," sabi ko at iniabot kay Wolf ang baseball bat na hawak ko. "Hintayin mo ako." dugtong ko pa. 

Pagkakuha niya sa baseball bat ay kaagad kong itinali ang sintas ko. Pagkatapos ay kinuha ko ulit kay Wolf ang ipinahawak ko at muling nagpatuloy sa paglalakad. Pero nagulat at napasigaw kami pareho ni Wolf nang bigla kaming umangat kasabay ng mga halaman na tila sinakop kami mula sa ere.

Shit! Isang trap!

"Daniel! Tulungan mo kami!" sigaw ko. Sinubukan ko rin na hawiin ang mga halaman na nakaharang sa paningin ko. Pero masyadong magalaw si Wolf kaya hindi ko maayos ang ginagawa ko.

"Ayos lang kayo diyan?" tanong sa amin ni Daniel mula sa ibaba.

"Oo," tugon ko. "Tumigil ka nga Wolf!" suway ko sa katabi ko.

Kaagad kong hinawi ang mga halaman at bumungad sa akin ang ibaba. Isang itim na net ang nag-angat sa amin. Konektado ito sa isang puno at mataas din ang kinaroroonan namin.

Hindi ako takot sa matataas pero ang ikinababahala ko ay baka may sunod pang mangyari kapag hindi kami kaagad nakaalis ni Wolf dito. Mabuti na lamang at may isa sa amin ang naiwan sa ibaba upang gumawa ng paraan.

Napatingin ako kay Daniel nang tila may hinahanap siya sa kaniyang bulsa.

"Wolf, subukan niyong gamitin ito. Masyadong mataas ang kinaroroonan ng lubid na konektado sa kinalalagyan ninyo. Hindi rin ako marunong umakyat ng puno," sabi sa amin ni Daniel at ipinakita ang isang pocket knife. Kaagad niya itong inihagis sa ere at mabilis naman na nasalo ni Wolf.

"Teka, magpapahulog tayo?" gulat kong tanong kay Wolf. Halos magyakapan na kami dahil sa sobrang sikip ng kinalalagyan namin. Ang hirap ding gumalaw dahil lumulusot ang paa ko sa mga butas ng net.

"Gusto mong manatili dito?" tanong naman sa akin ni Wolf. Hindi ako nagsalita at hinayaan na lamang siyang ipagpatuloy ang paghiwa sa net sa paanan namin.

Sana lang ay hindi mabali ang buto namin sa gagawin naming ito.

Ilang sandali pa, nahulog kami sa butas na ginawa ni Wolf dahilan para pareho kaming sumigaw sa gulat. Napadaing kami pareho ni Wolf nang maramdaman ang impact ng pagtama ng mga katawan namin sa lupang tinatabunan ng mga halaman.

"Ayos ka lang? -Ayos lang kayo?" magkasabay na tanong ni Wolf at Daniel. Tumango ako at umalis mula sa pagkakadagan sa braso ni Wolf.

Sinubukan pala niya akong saluhin.

Pinulot ko ang lanseta (pocket knife) na nabitawan ni Wolf nang nahulog kami. Ipinakita ko iyon kay Daniel. "Where did you get this? Sa pagkakaalam ko, hindi nila pinapayagan ang mga manlalaro na magdala ng weapons," tanong ko kay Daniel.

"Ahh, ito ba?" he asked me at kinuha ang hawak ko. "Unfortunately, nakalaban ko ang ilan sa tauhan ng hotel noon sa isang paaralan. But fortunately, nanalo ako against those five men," tugon sa akin ni Daniel.

"Pocket knife ang ginamit sa inyo?" tanong ko at tumango naman siya.

Ngayon, may tanong na pumasok sa isipan ko. What's worse? Pocket knife or baseball bat. Bungong mababasag o katawan na masasaksak?

"Tara na. Mukhang malapit na tayo," pag-aya sa amin ni Wolf at naunang naglakad.

Lumayo naman ulit ako kay Daniel dahil muli ko na namang naamoy ang amoy niya. Humabol ako kay Wolf at iniwan si Daniel sa hulihan.

"Sigurado ba kayo na tabing-dagat ang bubungad sa atin? Baka naman balon o—"

"Sandali! Tumigil ka!"

"AHHH!!"

Hindi ko alam kung paano basta namalayan ko na lamang ang sarili ko na nagpagulong-gulong paibaba mula sa kinaroroonan nila Wolf at Daniel. Napadaing ako nang bumagsak ako sa pinaka-ibabang bahagi ng tila isang ilog na walang tubig.

Napahawak ako sa ulo ko nang bigla itong kumirot. Pakiramdam ko ay nabagok ito Kung saan dahil sa paggulong ko.

Kung hindi rin naman kase ako tanga. Hindi rin naman kase sinabi kaagad ni Wolf na mahuhulog ako.

"Alexandra!"

"Ahhh!!" muli akong napasigaw nang makita ang mga nagkalat sa paligid ko. Ang iba ay nadaganan ko pa. Hindi ko rin namalayan na tumulo na ang luha ko sa takot.

Sa halip na tubig ang nilalaman ng ilog na ito, mga bangkay na naaagnas ang nakatambak dito.

LA MONTERO HOTELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon