Kabanata 7: Siblingsss part 1

2 1 0
                                    

Nikki's POV

"Bye girls!" sabay kaway na sinabi ni Liv.

Umalis na kasi sina Maya para kumain ng snacks sa canteen. Kami naman, babalik na kami sa building namin.

Habang naglalakad ay hindi pa rin mawala sa pag-iisip ko ang ginawang heroic act ni Maya. Naku ano nanaman kaya yun? Kilala ko pa mo yung kapatid kong yun bilang matapang na babae. When somebody messes with her ay nalalagot sila.

"Okay ka lang, Nikki?" tanong ni LIv.

"Ah oo, okay lang ako." Nakangiti kong sabi.

"Up to now, I still can't believe that Claudi has good friends now." Sabi ni LIv.

"Oo nga, Claudi sure is happier now that she has friends that are willing to accept her truly. I mean that's enough assurance na hindi sila kagaya ng fake friends niya dati." Pag-aagree ni Liam.

"Bakit? Anong nangyari sa mga friends ni Claudi dati?" tanong ko.

"Hanap kasi nila popularity. Gusto nila makaclose si Marcus at kami instead of Claudi." Sabi ni Ton.

"I just hope na hindi na mauulit kay Claudi yun." Malungkot na saad ni Liv.

"Huwag kayong mag-alala kilala ko yung kapatid at pinsan ko. They won't do that to her."

Ngumiti naman yung mga magkakaibigan.

...

Natapos na yung school hours at ngayon ay papunta na kami sa restaurant na sinasabi ko. Nagpaalam na rin ako kina Marco na hindi muna ako sasabay sa kanila nina Maya pati Mags.

Ang sabi naman ni Marco ay okay lang daw kasi nakisabay yung bagong kaibigan nina Maya sa kanila. At sinabi niya pa na instead of magcocommute sila ay pinasakay nalang daw sila sa sasakyan nina Claudi.

"Grabe yayamanin yung bagong kaibigan nila." yun ang exact words ni Marco matapos niyang sabihin sa akin yun.

"Nikki, makisakay ka muna sa sasakyan ni Marcus." sabi ni Liv. Doon nalang daw ako makikisakay kasi daw wala ng space doon sa mga sasakyan nung iba. Tas si Liv daw makikisakay kay Liam kasi daw basta- basta nalang. Ewan ko ba sa kanya kung anong basta yun.

Nang papunta kami sa parking lot ay nakakita ako ng maraming magagandang kotse. Rich kids nga yung mga tao dito.

"Ummm Nikki. Dito na tayo." Mahinang sabi ni Marcus.

Katingin ko sa sasakyan niya ay nagulat ako kasi Lamborghini sasakyan niya.

"Dito kami Nikki." Pagpapaalam ni Liv.

Kakita ko sa sasakyan nila ay nagulat din ako kasi puro luxury cars ang meron nila.

And now I realized that I'm with a bunch of millionaires. It's not that I'm not used to this kind of set-up pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko sa pag aalala kung magugustuhan ba nila yung restaurant na pinili ko.

"Where to go, Nikki?" tanong ni Marcus.

"Uhhh sa T.H sana."

At ayun na nga we arrived at T.H.

"Oh Nikki!" tawag ni Liv.

Agad niya naman kinuha yung kamay ko at hinila ako papasok.

Kapasok ng T.H ay all I could say is that it changed so much since before. It got taller and wider in space.

"Hello po mga ma'am and sir!" bati ng staff sa amin.

"Uh hello po." Sagot ko naman.

"Dito po kayo maupo." Sabi nung isang staff member.

Here for youWhere stories live. Discover now