Nikki's POV
Kauwi ng bahay ay agad naman tumakbo papunta sa kwarto ni Maya sina Maya at Mags. May gagawin daw silang importante, naku ano kaya 'yon?
Anyways kapasok ng bahay ay nakasalubong ko si Tobi na naglalaro ng cars sa salat.
"Hi Ate!" Tumalon siya sa'kin upang yakapin ako.
"Hi baby! I missed you. What did you today?"
"Ate, we go swide, and eat ice cweam, and pway carsss!" Pagpasensyahan niyo na ang kapatid ko medyo nabubulol pa siya pero ang ibig niyang sabihin ay pumunta raw sila sa playground, tas kumain sila ng ice cream, at naglaro ng cars.
"That sounds fun! Wanna watch cartoons?" Tanong ko sa kanya na tiyak ko'y magugustuhan niya.
"Yeheyy!! Mickey!" Excited niyang sabi.
"Okayy! Tara, manood tayo sa room ko." Yaya ko sa kanya.
Kapasok ng kwarto ko ay humiga na siya sa kama ko. Binuksan ko nalang yung tv at hinanap ang Disney Junior.
"Okay Tobi, bihis lang ako ha?"
"Yes!"
....Makalipas ng ilang oras ay tinawag na kami, upang kumain.
"Yow Nik-nik! Kaibigan mo pa rin yung mga taong kasama mo kahapon?" Guess who asked that? Malamang si kuya. Naku! Ano bang problema niya sa mga kaibigan ko?
"Ano ba kuya? Syempre kaibigan ko pa rin sila. Atchaka pinag usapan na natin kanina at kagabi, okay lang ako. Ako ng bahala sa sarili ko." Iritado kong saad.
"O tama na 'yan, kumain na kayo dito." Suway ni mama.
....
Mmmm.. ang sarap ng hapunan. Busog na busog talaga ako.
Umupo muna ako sa tabi ni Mags sa couch. At naki chika na rin.
"Musta school? Maya, Mags?" Tanong ko sa kanila.
"Okay lang ate kaso nakakairita talaga yung mga bruhildang umaway kay Claudi kahapon." Sabi ni Mags.
"Oo nga ate. Nakakairita sila. Parang mga pesteng umaaligid sa amin. 'Di sila tumitigil sa kakaglare at kakatsismis sa'min." Inis na sabi ni Maya.
"Sino ba yung mga 'yan?"
"Anak ng may ari yung kulot. Aria yata pangalan." Luhh kapatid nung Jamie na tinulak ni Marcus kahapon.
"Haluh kaklase ko yung ate niya."
"Wehh?? Suplada rin ba?" Tanong nilang pareho.
"Oo, grabe kung makatingin yung ate niya sa'kin parang nakakadiri ako."
"Grabe mana-mana yata yung mga 'yan." Sambit ni Mags.
"Mags, may alam ka ba kung bakit hindi lahat nakakapasok sa building namin?" Curious kong tinanong. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makaget over sa sinabi ni Irika kahapon.
"Ahhhh sa buliding niyo kasi nakadestino lahat ng heirs ng mga companies, rich kids, at mga pambato ng school sa mga competitions. Special Treatment ang tawag-tawagan ng mga tao sa building ninyo pero ang totoong pangalan ay "The home of the stars." Explain ni Mags.
"That's odd. Bakit ako napunta doon? Tas bakit hindi kasali yung mga lower levels?"
"Baka dahil napasa ka sa criteria nila. Pero ate madalang na madalang lang nangyayari yung nangyari sa'yo. Only 1 out of 10 could pass the criteria in your case. Tas yung sa lower levels naman kailangan muna namin pakita na katanggap-tanggap kami sa building ninyo. Meaning straight A's, many achievements, and most importantly not a failure." That's harsh and unfair. Bakit pa nila kailangan iseparate ang mga pambato nila? Pwede namang pantay-pantay.
"In addition to that, sa 3rd year highschool magkakaroon kami ng test of intelligence na kung saan doon sila magdedesisyon ng mga isasali nila sa chosen students nila." Dagdag pa ni Mags.
"But on the good side, madalas yung mga napupunta sa building ninyo are considered really successful once they've graduated, kaya ginagalingan talaga ng lahat para makapunta doon. Kaya ate Nikki, you're really lucky and amazing!"
I don't know what to say. That's really something. 'Di ko man talaga iniisip na I'm that good. I've always thought that I'm just simple and normal. But this makes me sound a bit more. At sa totoo lang ayaw ko yun. I just want to be simple. I just want to be me.
"Pero ate Nikki don't be pressured. Maganda ito para sa'yo. Now, totoo bang may ref yung mga desk niyo?" Interesadong tanong ni Mags.
"May ref kayo?!" Gulat na tanong ni Maya.
"Yupp. But that's not the only thing in there. May small cabinet pa doon na kung saan kumpleto ang mga essentials na kailangan tas may Ipad pa and more." Patuloy kong kinuwento ang mga nakikita sa loob ng building namin.
"Wow! Grabe Maya galingan natin para makapunta tayo doon!" Hyped na hyped na sinabi ni Mags kay Maya.
"Oo nga Maya! Kailangan nating maexperience yun!"
"Hmpp.. mahirap kayang pumasok doon." Bulong ni Marco.
"Naku kuya! Please naman 'wag mo naman kaming i-discourage. Alam ko naman na medyo mahirap makapasok doon, pero kung kaya ni Ate Nikki, kaya rin namin!" Determinadong sabi ni Mags.
"Basta 'wag kang iiyak kapag hindi ka nakapasok." Bitter na sabi ni Marco.
"Bakit Marco? Anong nangyari? Ba't ang bitter mo?" Nagtatakang tanong ko.
"Hindi kasi lahat kayang pumasok. Hindi kasi lahat sapat yung best nila. Yung iba kasi kahit na ginawa na nila ang lahat wala pa rin." Malungkot na saad ni Marco. Katapos niyang sabihin yun ay umalis na siya.
Ano kayang nangyari kay Marco para masabi niya yung mga salitang iyon?
"Dati kasi Ate may kaibigan si kuya na gustong-gustong mapapunta sa S.T. Ginawa naman niya ang lahat-lahat. Nakuha pa nga niyang makakuha ng matataas na marka kaso 'di pa rin sapat. Kung 'di lang dahil sa isang subject niya edi sana nakamit na niya ang gusto niya. Sayang talaga." Kuwento ni Mags.
"Bakit apektado si kuya Marco?" Tanong ni Maya.
"Best friend niya kasi si Ate Louise. Siya yung kaibigang kinukuwento niya noon kapag nag vivideo call tayo."
"Ahhh siya! Yung madalas na pumupunta dito tas tumutulong kay kuya sa school." Saad ni Maya. Ah siya yung Louise na madalas na kinukuwento ni Marco. Sa tuwing kinukuwento ni Marco siya, makikita mo talaga yung saya sa mata niya. I wonder kung bakit biglaan nalang niyang tinigil yung pagkuwento niya dati?
"Dahil kasi doon nagbago si Ate Louise. 'Di na niya kinausap pa si Kuya Marco, katapos lumipat na siya ng school." Malungkot na saad ni Mags.
"Grabe I feel bad for Kuya Marco. He doesn't deserve this!" Pag reklamo ni Maya.
"Eh wala biglang ganun nalang nga ang nangyari, kaya kapag pinag uusapan yung Special Treatment nagiging bitter si Kuya Marco."
Now I've realized kung gaano nga ka big deal yung sitwasyon ko ngayon, and all I could do is just continue to do my best. Sobrang nalulungkot talaga ako para kay Marco. He has always been so happy whenever he talks about his friend. I just hope na may magagawa ako para sa kanya.
"Alam mo ba kung nasaan na si Louise ngayon?" Tanong ko kay Mags.
"Hmmm balita ko nasa Pritz Academy na siya ngayon."
"Do you think na sasaya ba si Marco once he meets her again?"
"Oo ate! Actually, hanggang ngayon lagi niya pa ring iniisisip kung tatawagan niya ba siya o hindi. Gustong-gusto niya talagang makausap si Ate Louise ulit."
"Well my dearest cousin and sister, ibabalik natin ang friendship nila." I said making our mission clear.
"Yesss! Kailan Ate?"
"Hmmm.. bukas?"
"Pupunta tayo sa school niya?" Tanong ni Maya.
"Pwede. Malapit lang naman yun sa school natin. Walking distance lang siya." Pagkumpirma ni Mags.
"Okay, That's set! Bukas na bukas ibabalik natin ang friendship nila." Pagdeklara ko.
....
Kabanata 12 is finished! Maraming-maraming salamat sa pagbabasa😊
YOU ARE READING
Here for you
Ficção Adolescente"Hey, you! Would you just snap out of it! You're only making it worse by the way you react. If I were you I would man up and just be calm. Don't worry we're safe and we're not gonna crash." Wait, what did she say? Were gonna crash!? Oh heck no! Aft...