Chapter 38: She's Into You

617 32 13
                                    

A/N:
Hi guys! Ito na 'yong sagot kung sino talaga ang nagsabi ng She's Into You. Basahin nyo na lang huhu

----------------------------

Stacy PoV!

Kasalukuyang kaming nandidito sa clinic agad kong dinala dito si Mexi nang mawalan siya ng malay kanina. Hindi pa rin siya nagkakamalay.

"Nurse Tin! Ano po ba ang nangyari sa kanya?" pagtatanong ni Eunice sa nurse

"Base sa aking observation mataas ang lagnat niya." sagot naman nito. Lagnat? Bakit hindi niya agad sinabi na may lagnat siya?

"Gagaling ba agad siya?" this time ako naman ang nagtanong.

"Oo huwag kayong magalala gagalingan din siya." nakangiti nitong tugon.

"Linagyan ko na siya ng bimpo sa noo para mabawasan ang init ng kanyang katawan at kapag nagising na siya agad nyo siyang painumin ng gamot pero siguradohin niyo na busog siya." Tumango ako bilang tugon sa sinabi nito.

"Ano pa ang dapat naming gawin sa kanya?" pagtatanong ko uli.

"Ahm bihisan niyo siya basang-basa na kasi ng pawis ang damit niya." tumango naman ako

"Thank you, Nurse Tin!" pagsasalamat ni Eunice dito. Ngumiti lang ito sa kanya.

"Ah, sige na alis na ako tawagin niyo na lang ako kapag kailangan nyo ako." tumango kami dalawa sa kanya after that lumabas na ito.

"Bakit hindi niya agad sinabi na may lagnat pala siya." I heard Eunice said habang nakatingin kay Mexi na mahimbing na natutulog.

"Di sana hindi na natin siya pinalaro pa. Hindi sana nangyari 'to." she added at kitang-kita sa mukha niya ang pag-aalala. Lumapit ako sa kanya.

"Eunice, huwag ka mag-alala gagalingan din si Mexi lagnat lang 'yan kayang-kaya niya 'yan matapang si Mexi diba?!" tumango naman siya.

"Kaya huwag ka ng magalala diyan she will be okay later." napangiti naman siya.

"Sige, alis muna ako ikaw muna ang magbantay sa kanya. Kukuha lang akong ng damit na pampalit sa kanya." ngumiti naman siya at tumango.

Pagkalabas ko sa clinic patakbo akong nagtungo sa locker room at agad na hinanap ang locker ni Mexi agad ko naman itong nakita at binuksan kinuha ko ang blue t-shirt niya. Sasarhan ko na sana ang locker but napatigil ako nang makita ang isang larawan na napaskil sa pinto ng locker ni Mexi.

Napangiti ako.

Si Mexi at Tracy ang nasa larawan nakangiti sila pareho.

Bagay na bagay nga sila sa isa't-isa.

Sila nga yata talaga ang itinadhana para sa isa't-isa.

Napagpasyahan ko ng isarado ang locker at patakbo muling akong nagtungo sa clinic. Pagkabukas ko ng pinto agad kong nakita si Yasmine.

"Yas, nandito ka na pala," nakangiti ko siyang nilapitan.

"Si Tracy? Nasaan? Bakit di mo siya kasama?" pagtatanong ko ng diko makita si Tracy.

Si Yas kasi ang tatawag kay Tracy para papuntahin dito tutal mag-bestfriend sila.

Biglang nagiba ang expression ng mukha niya.

"Wala. Hindi siya pupunta dito," aniya.

"Bakit?" pagtatanong ko.

"Kasi wala na siyang pakialam kay Mexi at ang mas masaklap pinapaubaya niya na sa'yo si Mexi." tugon niya.

SHE'S INTO YOU (Into You Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon