Eunice PoV!"Vanessa!" sambit ko. Hindi siya lumingon sa akin. Diretso lang ang tingin niya kay Andrei.
"She will go with me." ulit niya. Napangiti lang si Andrei sa kanya.
"Ganon ba? Okay!" sabi niya na lang. "Sige, girls! Una na ako. Kita kits na lang!" pagkasabi niya non sumabay na siya sa blue sports car niya then agad itong pinaandar paalis.
Napatingin ako kay Vanessa. Seryoso pa rin ang mukha niya.
Ano kaya ang nasa isip niya ngayon? At sinabi niya 'yon? Ngayon lang ulit niya ako pinansin....
Napansin kong napakawala muna siya ng buntong-hininga bago tumingin sa akin.
"Let's go." cold niyang sabi at tumingin siya sa likod.
"Yas! Alis na kami. Bye!" ngayon ko lang napansin na nasa likod namin ang korean bestfriend niya.
Tumango ito at ngumiti. Hindi yata nila kasama si Tracy. Siguro pumunta na rin 'yon sa meeting place ng group nila. I think!
Nagsimula ng maglakad si Vanessa so sumunod na lang ako. Akala ko hindi siya seryoso sa sinabi niya akala ko ginawa nya lang 'yon para hindi kami magkasama ni Andrei.
"Good afternoon, Ms. Vanessa!" bati ng driver niya pagkalapit namin sa kotse.
Ngiti ang naging tugon dito ni Vanessa. Mabuti pa sa driver niya ngumingiti siya sa akin. Hindi! Bakit naman siya ngi-ngiti sa akin di'ba iniiwasan nya nga ako. Ang tanga ko rin noh...!
"Good afternoon din, ma'am!" bati rin nito sa akin. Hindi ko namanlayan nakatingin na ito sa akin. Ngumiti lang ako bilang tugon.
Nakita kong pinagbuksan ng pinto si Vanessa agad naman siyang pumasok sa kotse. Ang galing nya rin noh! May pa she will go with me pa siyang nalalama kung makaasta siya parang walang kasama. Kainis siya!
"Ma'am, pasok na po." muli akong napalingon sa driver pinagbuksan niya rin ako ng pinto.
Papasok ba ako? O Hindi?
Tumingin-tingin ako sa paligid baka kasi nandito na 'yon driver ko but nanlumo ako ng makitang wala pa ito. Ang tagal niya naman kasi ngayon.... Kung kailan kailangan ko siya... Tsk!
Ano ba ang dapat kong gawin?
"Ma'am!" tawag uli sa akin ng driver.
Sige na nga! Sasabay na ako, choosy pa ba?
Pumasok na ako sa loob at umupo sa tabi ni Vanessa. Hindi ako makapaniwala I'm with her...
Agad namang pinaandar ng kanyang driver ang kotse at umalis ng E.A. Tahimik lang ang naging byahe hanggang sa makarating kami sa Mansion nila. Pagkapark ng kotse naunang bumaba si Vanessa kaya bumaba na rin ako.
Napatingin ako sa malaki at eleganteng Mansion sa harap ko. Hindi na rin ako magtataka mayaman din sila.
Napatingin-tingin ako sa paligid. Nasaan yong iba? Bakit yata hindi ko makita?
"If you searching the others, nasa loob na sila." I heard Vanessa said kaya napalingon ako sa kanya. Paano niya nalaman ang iniisip ko? Mind reader ba siya??
"I tell them to go inside kanina. Did Tracy say it to you?" pagtatanong niya. Umiling ako.
"Kaya pala." she whispered narinig ko naman.
BINABASA MO ANG
SHE'S INTO YOU (Into You Series #1)
RomanceTracy Hasniah Evans the girl known as The MAN'S HEART CAPTURER and The EVAN'S PRINCESS. Siya ang babaeng kinahahangaan ng lahat sa Evans Academy ang paaralan na sila mismo ang may-ari. Maraming nagkakagusto sa kanya because of her personality and be...