Tracy PoV!"Hey, cous! Ayos ka lang ba? Bakit ang tahimik mo yata ngayon? At bakit malungkot ka? Di'ba dapat masaya ka ngayon dahil anniversary nyo ni Mexi." si Stacy napalingon ako sa kanya.
"Ayos lang ako. May iniisip lang."
Magpahanggang ngayon kasi hindi pa rin nawawala sa aking isipan ang sinabi ni Mikayla sa CR kanina.
Bakit nya 'yon sinabi?
I think hindi naman ako pinaglalaruan ni Mexi. Totoong mahal niya ako.
Si Vanessa sinabi nya rin sa na baka saktan lang ako ni Mexi.
Bakit nila sinabi na sasaktan ako ni Mexi. Hindi niya 'yon magagawa. Alam ko na hindi nya ako sasaktan.
"Tracy, everything is okay! Si Mexi na lang ang kulang." nakangiti saad ni Yasmine at ibinigay sa akin ang bouquet of flowers na ibibigay ko kay Mexi nakangiti ko naman itong kinuha sa kanya.
Nasa cafeteria kami ngayon dito ko naisipang i-celebrate ang first anniversary namin dahil dito niya ako inalok na maging girlfriend. Kapag uwian na dadalhin ko na siya sa restaurant kung saan ako nag-reserved ng table para sa aming anniversary romantic night date.
"May tumawag na ba kay Mexi?" tanong ko kay Yasmine.
"Mayroon na si Eunice may dala nga siyang handkerchief pantakip sa mata ni Mexi." nakangiti sagot niya at tila kinikilig.
Napangiti uli ako.
"Kayong mga may hawak ng happy first anniversary maghanda na kayo bilis." narinig kong utos ni Stacy sa mga napiling estudyante na may hawak ng happy first anniversary agad naman silang sumunod sa utos.
After 15 minutes....
Nakita kong mag-isang pumasok sa cafeteria si Eunice.
"Oh, bakit ikaw lang Eunice? nasaan si Mexi?" pagtatanong sa kanya ni Yasmine pagkalapit sa amin.
"Hindi ko mahanap si Mexi." sagot niya.
"Huh?" react ko.
"Wala siya sa classroom pumunta din ako sa library pero wala din siya doon kahit nga sa roof top ng pinakamataas na building ng Evans ay napuntahan ko na rin kakahanap sa kanya." pagsasalay niya
"Saan naman siya pupunta?" this time si Stacy na ang nagtanong.
"Baka umuwi na." narinig kong sabi ni Vanessa na nakadikwatrong nakaupo at tila walang pakialam sa nangyayari.
"Imposible naman umuwi na siya naroon pa sa parking lot ang kotse niya." si Eunice.
Imposible nga! Kinuha ko ang aking cellphone at dinial ang number ni Mexi nakailang ring ako pero niisa ay hindi niya sinasagot.
Nasaan ba siya?
"Tracy!" napalingon ako sa tumawag.
Si Mikayla.
Lumapit ako sa kanya.
"Mikayla nasaan si Mexi?" tanong ko sa kanya ngumiti siya.
"Don't worry, Tracy! Nasa paligid lang siya." after niyang sabihin 'yon biglang tumunog ang speaker at may narinig kaming boses. Boses ni Mikayla at ni Mexi na naguusap. Rinig na rinig ito sa buong campus.
"Di'ba heartbreaker ka?"
"Break her heart, Mexi!"
"Gusto ko siyang gantihan sa pamamagitan mo."
BINABASA MO ANG
SHE'S INTO YOU (Into You Series #1)
RomanceTracy Hasniah Evans the girl known as The MAN'S HEART CAPTURER and The EVAN'S PRINCESS. Siya ang babaeng kinahahangaan ng lahat sa Evans Academy ang paaralan na sila mismo ang may-ari. Maraming nagkakagusto sa kanya because of her personality and be...