Chapter 12: Friend Request

776 31 0
                                    


Tracy PoV!

Kasalukuyang nagle-lecture sa unahan ang teacher namin sa History.

It's been two weeks since nung nangyari ang away ni Vanessa at Eunice dito sa classroom. Tinupad nga ni Vanessa ang promise nya hindi nya na ulit pa binully si Eunice iniiwasan nya na lang ito ganoon din ang ginagawa ni Eunice. Iniiwasan nila ang isa't-isa. Mabuti na rin nga iyon sa mag-away na naman sila.

Two weeks na rin kaming nagsasanay sa basketball paghahanda sa darating na AAC o Academy Athletes Competition Girls Basketball Championship. Kahit pagod na tuloy lang ang insayo walang kaming sinasayang na minuto ganoon kami kapursigong manalo.

Ako nga pala ang team captain ng Sky Cranes kaya mas ginagaling ko pa ang pagiinsayo at bilang team captain hindi ko hahayaang matalo ang aking teams at ang Evans. Ako pala ang Power Forward at Shooting Guard ng aming team. Sa totoo lang kahit di na ako ang mag-MVP basta manalo lang ulit kami ayos na 'yon sa akin. Sa loob din ng dalawang linggo naging close friends kami ni Mexi ganoon din si Eunice friendly naman pala siya, e.

Napahikab ako kulang kasi tulog ko kagabi.

"Ms. Evans!" nagulat ako ng tinawag ako ng teacher... Napatingin lahat ng classmates ko sa gawi ko.

"Yes, ma'am?" tumayo ako ng matuwid.

"Nakikinig ka ba?" tanong ni ma'am.

"Yes, ma'am!" wala pa sa isang minutong sagot ko.

"Kung ganoon, anong petsa deneklara ni Pres. Ferdinand Marcus ang Martial Law?" Huh? Martial Law? Anong petsa nga iyon dineklara? Hay! Nakalimutan ko!

Napakamot-batok ako. "Sorry, ma'am nakalimutan ko!"

"Ano? Nakalimutan mo?" tanong ni ma'am. Tumango ako. Sa totoo lang hindi ko naman talaga alam ko anong petsa ideneklara ang martial law at hindi naman talaga ako nakikinig..

"Impossible! Sinabi ko pa lang iyon kanina-kanila lang, nakikinig ka ba talaga, Ms. Evans?" paniniguro nya.

"Opo!" tugon ko. Alangan sabihin kong hindi e, di mapapahiya ako sa buong klase.

Napabutong-hininga ito. "Okay! You can sit now!" Umupo naman ako.

"Anyone?" inikot niya ang tingin.

Nakita kong tumaas ng kamay si Mexi.

"Ms. Alston!" ma'am called her. Agad siyang tumayo.

"September 21, 1972 ideneklara ni Pres. Ferdinand Marcus ang Martial Law" confident niyang sagot.

"Good, Ms. Alston!" puri ni ma'am sa kanya.

"Oh! Ngayon naalala mo na Ms. Evans!" tumingin sa akin si Ma'am.

Tumango ako bilang tugon. "Mabuti kung ganoon."

Pinagpatuloy ulit ni ma'am ang pagle-lecture this time nakinig na ako mahirap na baka tawagin ulit ako. Di nagtagal natapos na ang afternoon class ililinigpit ko na ang gamit ko ng biglang pumasok ang teacher namin sa Research.

"Good afternoon class, I just have an announcement before you leave." Ms. De Vera said. Our research teacher.

"Gagawa kayo ng research paper na ipapasa sa Thursday. This activity perform by group."

SHE'S INTO YOU (Into You Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon