Tracy PoV!"Hoy, Vanessa! Anong ano kasi?" kulit ko uli sa kanya. Nakatingin lang kasi siya sa akin parang baliw lang.
"I have a favor." saad niya. Sa wakas naman nagsalita na siya. Ano daw?Flavor? Flavor lang pala!
"Anong klaseng flavor ba ang gusto mo vanilla, chocolate, strawberry, ano?" hinampas nya ako bigla.
"Oh! Bakit?" inis kong singhal sa kanya. Tama naman 'yon tinanong ko di'ba guys?
"Favor! Hindi Flavor!" sigaw nya. Ayy ganoon ba!
"Hihi! Akala ko kasi flavor, sorry!" at nag-peace sign ako sa kanya. Ngumiti lang siya.
"So? Ano klaseng favor ba yan?" pagtatanong ko. Tulad kanina nagbuntong-hininga muna siya bago magsalita.
"Ahm! Pwedi bang ikaw na ang magsabi kay Eunice tungkol sa gagawin naming research paper bukas. Tutal naging close na kayo sa isa't-isa" Ahh yon lang pala!
"Sige ba! Ako bahala." pagsang-ayon ko tutal naging kaibigan ko na rin si Eunice.
"Thank you, Tracy!" at yinakap nya ako. Ito talagang kaibigan ko oh! may payakap pang nalalaman para yon Lang.
"Welcome, basta sigurohin mong hindi mo na uli siya sasaktan." bilin ko. Kumalas siya sa yakap then tumingin siya sa akin.
"Sasaktan talaga! Binully ko siya hindi sinaktan." defensive niyang saad. Ngumiti ako sa kanya. "Parehas lang iyon."
"Tracy, matanong ko lang bakit ang caring mo kay Eunice?" napatingin ako sa kanya. "Oh my god! Huwag mong sabihing crush mo siya kaya ganoon." binatukan ko siya.
"Baliw! Ginagawa ko lang ang tama noh!" nakangiti kong tugon. "Tsaka hindi ka bagay maging bully." diniin ko ang bully para asarin siya. Babatukan nya sana ako kaso nakailag ako at tumakbo palayo sa kanya kala nya huh!.
"Hoy! Evans! Bumalik ka dito." rinig kong sigaw nya at hinabol ako. Ngumiti ako at mas binilisan pa ang pagtakbo. Nang mapagod tumigil ako sa pagtakbo sakto paglingon ko nasa likod ko na pala si Vanessa hingal na hingal din ito.
"Walanghiya ka Tracy! Pinagod mo ako!" saad nya. Nginitian ko muna siya bago magsalita "Ikaw kasi hinabol mo ako syempre tatakbo ako." ngumisi lang siya sa akin.
"Vanessa!" napalingon kami pareho sa tumawag.
"Bakit? Nicole?" pagtatanong ni Vanessa kay Nicole. Si Nicole siya isa siya sa guard ng team magaling din siya.
Lumapit siya sa amin. Ngumiti muna siya sa akin bago tumingin kay Vanessa para sumagot. "Pinapatawag ka ni Couch Joy!"
"Ganoon ba, okay!" nagpaalam muna siya bago sumama kay Ate Nicole papunta kung saan naroroon si Couch Joy.
Ate Nicole ang tawag ko sa kanya kasi matanda siya ng isang taon sa akin at saka grade 11 na siya. Siya ang Power Poward at Center ng Team. Siya rin ang dating Team Captain ng Sky Cranes 3 years din siyang naging Captain ng team bumitaw siya last year at ako ang pumalit sa kanya bilang bagong Team Captain ng Sky Cranes.
Napagisipan kong umupo tutal may limang minuto pang natitira para magpahinga susulitan ko na.
"Hi,Tracy!" napalingon ako sa bumati.
"Klea!" nakangiti ko ring bati sa kanya
"I have something to you." she said.
"Ano naman iyon?" curious kong tanong sa kanya.
Ngumiti lang siya then may kinuha mula sa likod.
Ano kaya iyon?
"Ito oh! I know this is your favorite, right?"
Oh my donuts! Isang box ng Dunkin Donuts?
"Para sa akin ba yan?" tanong ko.
"Yes! That's all yours ,only yours" tugon niya. Dahil sa tuwa nayakap ko siya. Basta kasi donuts ang usapan masaya na ako niyan. Ang babaw lang ng kasayahan ko noh! Hayaan nyo na at least nagiging masaya ako. Hehehe!!!
"How about the others?" pagtatanong ko pagkakalas sa yakap, hindi naman makatarungan na ako lang ang bigyan nya nang meryenda hindi iyon pair.
Ngumiti ito. "Don't worry about it, mayroon din sila syempre." nakangiti niyang tugon. "Yon nga oh! Kumakain na sila." Napatingin ako sa tinuro nya.
Oo nga noh! Nakita ko masayang kumakain ng donuts ang mga ka teammates ko except kina Couch Joy at Vanessa na naguusap pa rin hanggang ngayon.
"Bumili na rin ng tubig para sayo pasiguro kapag nauhaw ka ulit." binigay nya sa akin ang mineral water.
"Thank you!"pasasalamat ko may pambara na nga may pantulak pa sulit!
"Welcome, diba sabi ko basta para sayo."
Ngumiti na lang ako sa kanya. Bait nya talaga. Kumuha ako ng isang donut sa box at walang alingan itong kinagat.
Uhm! Ang sarap talaga ng donut Uhm!
"Gusto mong subuan kita ng donut?" Alok ni Klea. Tumingin ako sa kanya at ngumiti.
"Subuan? Huwag na kakahiya naman!" ngumiti ito. "Sige na isang donut lang please!" mapilit talaga siya.
"Sige na nga." ngumiti uli ito. Then sinubuan nya ako. "Sarap noh?" pagtatanong nya. Tumango naman ako bilang tugon.
Vanessa PoV!
"Sige po Couch!" tugon ko. Ngumiti si Couch Joy bilang tugon din umalis na siya.
Sinabi at tinuro sa akin ni Couch Joy ang mga galaw na dapat ko pang matutunan at gawin as Small Forward ng team na pwedi kong magamit sa real game I mean sa darating na championship this August.
Napatingin ako sa mga ka-teammates ko masaya silang kumakain ng donuts lalong lalo na ang dalawang magkatabi sa may gilid sino sila walang iba kundi sina Tracy at Klea.
Sa tingin ko may crush itong si Klea kay Tracy. Bakit ko nasabi kasi halata naman minsan nga nakikita ko siyang sumusulyap ng palihim kay Tracy o kaya lalapit siya para kausapin tulad kanina, may nalamang pang pagpunas sa likod. tsk!
Napalingon ako sa kaliwa at hindi ko inaasahan na makikita ko siya.
Si Mexi!
Ano pa ang ginagawa nya dito kanina pa ang uwian huwag nyang sabihing bumalik siya sa ano namang kadahilanan?
Napansin ko na parang may lungkot sa mukha nito sinudan ko ng tingin ang tinitingnan niya.
Si Tracy at Klea ang tinitingnan niya. Muli akong tumingin sa kanya.
Nagseselos ba siya?
BINABASA MO ANG
SHE'S INTO YOU (Into You Series #1)
RomanceTracy Hasniah Evans the girl known as The MAN'S HEART CAPTURER and The EVAN'S PRINCESS. Siya ang babaeng kinahahangaan ng lahat sa Evans Academy ang paaralan na sila mismo ang may-ari. Maraming nagkakagusto sa kanya because of her personality and be...