Chapter 11: That girl

781 33 3
                                    


Vanessa PoV!

I'm here in the roof top which is my favorite spot here in Evans Academy. Gusto ko kasi munang mapag-isa kahit saglit. Napagpasyahan ko na rin hindi muna pumasok sa first subject.

That girl!

Ang lakas talaga maka badtrip sa akin. Ewan ko basta nang nakita ko uli siya kahapon nadagdagan pa lalo yong bad-trip ko sa kanya. Dahil siguro sa pagpapahiya nya at pagtawag sa aking na tanga. Siguro 'yon nga!

Akala ko magiging masaya ako kapag ginantihan ko siya pero hindi, e. I fell guilty siguro dahil may kasalanan talaga ako.

Inaamin ko hindi nga ako nakatingin sa daan kaya ko siya nabunggo.

Pero hindi ibig sabihin non na bulag ako malinaw kaya ang mata ko nakita ko nya kung gaano siya kaganda. Yah! I admit she's gorgeous.

Yong mga sinabi ko kanina sa kanya I meant it. Sinabi ko lang yong totoo sa kanya na na-hurt niya yong feeling ko. Ikaw ba naman pagsigawan sa napakaraming tao at sabihang tanga. Sinong hindi masasaktan non at magagalit! Nag-sorry naman ako sa kanya ng paulit-ulit. Gumanti ako kasi gusto ko rin iparamdam sa kanya kung paano mapahiya. So ngayon alam nya na rin ang pakiramdam na mapahiya.

Hindi naman talaga masama ang ugali ko mabait ako hindi ko nga pinangarap na mambully o manakit man lang. Kung gaano ka-angelic ang mukha ko ganoon din ang ugali ko. Mabait talaga ako promise!

"Vanessa!" napalingon ako sa tumawag.

Si Tracy at Yasmine pala

"Anong ginagawa nyo dito?" tanong ko pagkalapit nilang dalawa.

"Para samahan ka." sagot ni Tracy at tumingin siya sa malayo.

"Tama si Tracy, hindi ka namin hahayaang mapag-isa baka kasi anong gawin mo!" si Yasmine

"Ano naman yong gagawin ko?" Tumingin ako kay Yasmine.

"Suicide!" agad niyang tugon. Binatukan ko siya.

"Baliw! Hindi ako magpapakamatay noh, ang babaw naman ng reason tsaka kong magpapakamatay ako mababawasan ang magaganda dito sa earth at mawawalan kayo ng angelic bestfriend." nakangisi kong saad sa kanya.

Ngumiti lang siya.

"Vanessa! Please tigilan mo na si Eunice, nakaganti ka na rin naman sa kanya di'ba?!" Napatingin ako kay Tracy.

"Oo nga, Vanessa! kawawa naman, nagsorry naman siya, e" saad naman ni Yasmine.

"At saka hindi ka bagay na kontrabida hindi bagay sa angelic face mo." dagdag pa ni Yasmine. Loko toh!

"Di'ba Tracy?" at tumingin siya kay Tracy. "Tama!" sangayon naman ni Tracy then nag-apir sila. Napailing na lang ako. Mga baliw talaga oh!

"Okay! Fine! Titigilan ko na siya tutal may kasalanan din naman ako sa kanya." saad ko naikinangiti ng dalawang.

"Talaga? Promise 'yan?" paniniguro ni Tracy. Teka! Bakit yata concern siya sa babaeng iyon? Kahapon nya lang iyon nakilala.

"Oo! Promise!" then nag-promise sign ako.

"Mabuti kung ganoon." - Yasmine

SHE'S INTO YOU (Into You Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon