Chapter 26: Fight for it..

670 29 13
                                    


"If you love someone, fight for it."

Mexi PoV!

Lumipas ang mga araw na hindi kami nagpapansinan ni Tracy.. Paano naman kasi lagi na lang nya kasama 'yon Kirt Justin na yon. Daig pa nila ang mag-jowa...Nakakainis na nga...!!

Ang sarap ipatapon sa jupeter ang lalaking 'yon para hindi na makabalik dito. Pinapainit niya lagi ulo ko, e. Stress tuloy ang beauty ko...

Kasalukuyang akong naglalakad sa hallway. Walang magawa, e. Free time kasi wala 'yong teacher namin. Ayaw ko namang mag-stay sa classroom dahil nandoon si Sweetheart ko I este si Tracy.... Baka hindi ko mapigilan ang aking self ay mahalikan ko siya bigla... Hehehs!!!

At ngayong kailangan ko ng makakausap at makakasama... ngayon naman wala si Eunice, absent, e... Kainis din 'yon...

Linibang ko na lang ang sarili sa pagtingin sa paligid. At least kahit ilang minuto ay makalimutan ko muna ang babaeng nagngangalang Tracy. Pero nabigo ako kasi bigla kong naalala 'yong unang araw namin dito sa Evans Academy. Yong pag-tour sa amin ni Tracy. I admit, I miss that day.... Para gusto kong balikan ang mga araw na okay pa kami at hindi pa dumadating ang Kirt Montero na 'yon... But I know that's imposible..

Bakit pa kasi bumalik ang Kirt na 'yon..?! Hindi na sana siya bumalik pa...

"Mexi Sydney Alston, right?" napahinto ako sa paglalakad at napalingon sa nagtaning

At laking gulat ko nalang ng malamang si Kirt pala 'yon. Paano nya nalaman ang full name ko..??! Stalker ba siya..?!

"Oo, ako nga!" sagot ko naman. Ngumiti naman ito ngiting kakaiba.

What's with him ba?!

"And, you are the ex-girlfriend of Bricer." halos manlaki ang mata ko sa narinig. Napangisi naman ito sa itsura ko

Teka! Paano nya nalaman..??!

"So, ikaw nga. Nice meeting you...." pagkasabi niya non ay agad na itong naglakad palayo. Naiwan naman akong tulala at naguguluhan.

Paano nya nalamang na ex-girlfriend ako ng Bricer.. ?!

---

Nandito na ako sa classroom pero hindi pa rin nawawala sa isip ko kung paano nalaman ng Kirt na 'yon ang pangalan at ang naging relasyon ko kay Bricer Ashton.

Gusto ko tuloy makilala ang buong pagkatao nya dahil sa kuryusidad.

"Good afternoon class." hindi ko namalayan nasa unahan na pala ang huling guro na magtuturo sa amin sa araw na ito.

Nagsimula itong mag-discuss pero wala doon ang pansin ko.

I want to know everything about you, Kirt Justin Montero...

Natapos ang klase na hindi man lang ako nakinig. Inayos ko na ang aking gamit at agad na lumapit kay Vanessa pansin kong napasulyap sa akin si Tracy but hindi ko na 'yon pinansin.

"Hey, Vanessa pwedi ka bang makausap?" tumango naman siya at nagpaalam sa dalawa then sabay na kaming lumabas ng classroom.

---

"Mexi ano namang paguusapan natin?" agad na tanong ni Vanessa pagkarating namin sa Evans Garden.

"Ahm, may gusto lang akong itanong." ako

"Ano naman 'yon?" taka niyang tanong.

"I want to know everything about him." sagot ko naman.

SHE'S INTO YOU (Into You Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon