Chapter 18

595 30 3
                                    


Nang malapit na kami sa bahay ni Chaeyoung ay agad napansin nila Seulgi at Irene ang isang lalaki sa labas. Kausap niya si Chaeyoung, no erase! erase! It seems like pinipilit niyang kausapin si Chaeyoung.
Mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ni Chaeyoung habang pinipilit namang kumawala ni Chaeyoung sakanya. That guy!

"What the fuck!" nagulat ako ng sumigaw si Seulgi at agad agad bumaba ng sasakyan tsaka tumakbo palapit kay Chaeyoung at sa lalaki. Agad naman kaming bumaba ng sasakyan ni Irene.

Si Irene tumakbo palapit sakanila pero ako, eto naka tayo lang sa labas ng sasakyan. Parang nanghihina mga tuhod ko. Those eyes, yung tingin niya at aura ng lalaki na yon. Katulad nung sakanila. Nakakatakot.
Di ko napansing napahawak na ako sa sasakyan na katabi ko, bumibigat ang ulo ko at parang nahihirapan akong huminga. Pumikit ako para pakalmahin ang sarili ko pero shit! Mas lalo lang akong nahihirapan. Bakit? Bakit ngayon pa?
Kahit ayoko, unti unting bumabalik sa isip ko ang mga pangyayaring matagal ko nang kinalimutan. Those nightmares. Para akong nasa impyerno.
Ayoko nito. Ayoko ng ganitong pakiramdam.

Please, someone. Help me.

I can't breath.

"See? Kung di nag matigas ang daddy at mommy mo edi sana wala ka dito ngayon!" sabi ng lalaking naka tayo ngayon sa harapan ko.

"P-please.. l-let me g-go.." pagmamakaawa ko habang umiiyak. Nag tawanan naman sila ng mga kasama niya habang naka tingin sakin.

Lumapit naman siya sakin habang tinatapunan ako ng malalagkit na tingin mula paa hanggang ulo. Nanginig ako sa takot kaya napa gapang naman ako palayo sakanya habang umiiyak.

"Come here, baby girl. Di kita sasaktan basta ba sumunod ka lang.." mahina niyang sabi pero naka ramdam ako ng sanlibong takot sa buong katawan ko. Those stares, it's full of lust. Sa kaisipang yon ay mas naiyak ako at kahit pa naka tali ang mga kamay at paa ko ay pinilit ko parin maka gapang palayo.

Pero nag tawanan lang sila.

"Walang magagawa yan. Di ka makakalayo samin baby girl." sabi niya bago niya hinawakan ang mga braso ko at pinilit itinayo.

"L-let me go! Please! K-kakausapin ko sina Dad, p-pakawalan niyo lang ako P-please!" i plead. Natatakot ako. Tulungan niyo ako pakiusap.

"Sshh.. sa ngayon di yun ang gusto ko." bulong niya sa tenga ko sabay mahigpit na hinawakan ang bewang ko mula sa likuran.

"N-no! Please! Ah! Please!" Puro sigaw ko at pagmamaka awa sakanila. Ayoko.

Pero wala na akong nagawa nang suntukun niya ako sa tiyan. Hindi ako makahinga at parang nawalan ng lakas para makalaban. No.. this can't be.

Help me.. please! Don't do this to me..

"JENNIE!"

Napa mulat ako nang marinig kong may sumigaw nang pangalan ko.
Pag mulat ko ay mukha agad ni Chaeyoung ang sumalubong saakin. Magkadikit ang mga kilay niya at halatang nag aalala siya saakin, hawak din niya ang pisngi ko at pinapahid ang luha sa mga mata ko.

I'm crying?

"Hey.. Bakit? Are you okay? Ayos ka lang ba?" aligaga niyang tanong sakin habang naka titig lang sa mga mata ko.

Somehow. I felt safe.

I'm. Home.

"Jennie? Please kausapin mo ako. Ayos ka lang ba? Bakit ka umiiyak?" pag tatanong niyang muli sakin.

Pero di na ako nag aksaya ng oras at agad ko siyang niyakap ng napaka higpit. Hindi ko alam kung bakit pero mas humagulgol pa ako sa iyak habang mahigpit niya rin akong yakap.
Di ko alam kung dahil ba sa bumalik nanaman ang mga ala ala ko noon kaya ako umiiyak ngayon o dahil sa pasasalamat ko sakanya at nandito siya ngayon. I don't know.
Ang alam ko lang ngayon ay safe ako.

Why me?Where stories live. Discover now