Chapter 29

510 20 3
                                    


Naka tulala at tahimik lang na naka upo sa sala sina Jisoo, Lisa at Chahee. Umagang umaga ay kakatapos lang nilang umiyak nanaman, paano naman kasi ay mula kagabi di parin lumalabas si Jennie. Hindi rin ito sumabay kumain sakanila ng almusal, kahit ilang beses nila itong kinatok ay wala manlang imik si Jennie. Nag aalala sila kung maayos ba ito sa loob. Hindi parin ito kumakain mula kagabi kaya ganon nalang ang pag aalala nila.

"Lisa.. please call Mang Ben." biglang sabi ni Jisoo kay Lisa.

"Huh? Why?" Tanong ni Lisa habang napa tingin siya kay Jisoo at ganon na din si Chahee.

"Hindi pwedeng wala tayong gawin Lisa, hindi pwedeng naka tunganga lang tayo dito at hindi alam kung anong gagawin para tulungan si Jendeuk. Kung ayaw niyang magsalita, then kikilos na tayo para malaman kung anong nangyari sakanya." Jisoo said.

"W-what? Wait. Hindi kaya magalit si Jennie satin pag ginawa natin to? We should wait Jisoo. Hanggang sa siya mismo ang mag kwento satin." Puna ni Chahee sa idea ni Jisoo.

"Kaya niyo pa bang makita siyang ganyan? Na nakikita siyang ganyan habang wala tayong magawa? Na wala tayong alam? I cant stand this anymore.. gagawin natin to para tulungan siya. Paano natin siya tutulungan kung wala tayong alam kung anong nangyari at anong napag daanan niya?" Seryosong sabi ni Jisoo habang salitan niyang tinitingnan ang dalawa.

Napa sandal naman si Chahee sa upuan sabay napahilamos sa mukha habang huminga ng malalim si Lisa bago nagsalita.

"Okay.. pero.. ang alam ko nasa probinsya na si Mang Ben at matagal na siyang pinag resign ni Jennie. I'm not sure kung dun parin siya nakatira." Paliwanag ni Lisa.

"Use our connections Lisa.. kailangan nating makausap si Mang Ben. Asap." Final na sabi ni Jisoo kaya tumango nalang si Lisa.

"Oh God. I hope tama tong gagawin natin." Bulalas ni Chahee.

"Stop worrying Chahee.. alam kong maiintindihan ni Jendeuk ang gagawin natin. Sa ngayon, ito nalang ang naiisip kong paraan. So please.." then hinawakan ni Jisoo ang kamay ni Chahee. Agad namang napatingin si Lisa sa kamay ni Jisoo na nakahawak sa kamay ni Chahee. She felt jealous pero anong magagawa niya?

"Right.. okay. Gagawin natin to for her." sagot ni Chahee then she smiled at Jisoo kaya nag iwas nalang ng tingin si Lisa sa dalawa.

"Wait.. did you called Chaeyoung, Lisa?" Baling ni Jisoo kay Lisa sabay inalis ang pagkakahawak sa kamay ni Chahee.

"Yes. I guess malapit na y-" hindi pa man tapos si Lisa sa sasabihin ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa ang hinihingal na si Chaeyoung.

"Where is she?!" Halata ang pag aalala sa boses nito at para bang wala itong pakielam sa itsura niya ngayon.

"Inside her room. Mula kagabi di pa siya kumakain at hindi pa siya lumalabas, nag aalala na kami Chae." Sabi ni Lisa kay Chaeyoung na ngayon ay naka tingin sa pinto ng kwarto ni Jennie.

Halos gumapang sa katawan ni Chaeyoung ang labis na pag aalala para kay Jennie. Kung pwede niya lang ito ngayon pasukin nalang sa loob para mayakap ng mahigpit ay ginawa na niya.

"C-can I?" Mahinang tanong ni Chaeyoung. Humihingi siya ng permiso para katukin ang pinto ni Jennie. Tumango naman ang tatlo kaya marahan siyang nag lakad palapit sa pintuan ng kwarto ni Jennie.

"Wifey?" Malambing niyang tawag kay Jennie. Napa singhap siya ng mahawakan niya pinto, sobrang lamig. Ganon ba kalakas ang aircon nito sa loob? Mas lalo naman siyang nag alala dahil don.

"Please open the door.. I'm here.. were here for you. Wifey~." Then she knocked 3 times. Baka kasi di lang siya narinig ni Jennie kaya kumatok na siya.

Why me?Where stories live. Discover now