Chapter 39

478 25 7
                                    

THE NEXT DAY ..

"Masaya po akong makita ulit kayo, Mang Ben." naka ngiting sabi ni Jisoo sa matandang nakaupo ngayon sa harapan niya. Nandito sila sa opisina ngayon habang katabi niya si Lisa samantalang naiwan naman si Chahee kasama ni Jennie.

"M-Ms. Jisoo ahm.. M-masaya din po akong makita ulit kayo." Halatang kinakabahan ang matanda at hindi yon nakaligtas sa paningin nila ni Lisa.

"Matagal po namin kayong pinahanap, alam po naming alam niyo ang rason kung bakit namin kayo gustong makausap Mang Ben." Sabi ni Lisa habang nakatingin sa matanda.

"H-hindi ko po alam kung anong ibig niyong sabihin.." utal na sabi nito sabay iwas ng tingin sakanila. Napahinga nalang ng malalim si Jisoo..

"Please don't fool us, alam po namin na binayaran kayo para magpakalayo-layo.." panimula ni Jisoo. Nagulat naman ang matanda sa sinabi niya.

"N-nakikiusap po ako sainyo. Iba nalang po ang tanungin niyo, w-wala po akong alam." nanginginig na sabi ng matanda. Napasandal naman sa kinauupuan si Lisa.

"Kayo lang po ang makakatulong samin, wala ng iba. Please Mang Ben, alam ko pong naging mahalaga din sainyo si Jennie. Minsan niyo rin siyang inalagaan, nakikiusap po kami sainyo. Gusto lang po naming malaman kung anong nangyari sakanya dahil nag aalala na kami for her. N-nahihirapan siya at hindi namin alam kung bakit. Wala po kaming magawa para tulungan siya dahil wala kaming alam at wala siyang planong mag sabi saamin.." pakiusap ni Jisoo dito.

"P-pero.."

"Pakiusap po, sabihin niyo lang samin kung anong nangyari sakanya and after that di na po namin kayo guguluhin pangako. Please help us, help her.." Pagsabat naman ni Lisa dito.

Nakatingin lang sakanila si Mang Ben, tila ba nag iisip ito kung sasabihin niya ba ang nalalaman niya o hindi.

"W-wala ako sa lugar para magkwento.. I don't think na magugustuhan ni Jennie-"

"Wala na po kaming pakielam kung magalit man si Jennie! Nakita niyo ba kung anong pinagdaanan niyo noon?! Kung gaano ka'miserable ang buhay niya?! Alam niyo ba yung pakiramdam na gusto namin siyang tulungan pero wala kaming magawa dahil wala kaming alam?!" biglang taas ng boses ni Jisoo kasabay ng pag tayo sa kinauupuan at hampas ng malakas sa lamesa, dahilan para magulat si Mang Ben.

"Jichu, stop.. calm down.." sabi ni Lisa sabay hawak sa braso ni Jisoo.

Tila narealize ni Jisoo ang ginawa niya kaya pumikit nalang ito at tumango kay Lisa.

"I'm.. I'm sorry. Please Mang Ben tulungan mo naman kami. Gusto lang namin malaman kung anong nangyari para alam namin kung pano namin siya matutulungan. Nakikiusap kami sainyo.. mahal na mahal namin si Jennie.." mahina niyang sabi dito dahilan para mapatingin sakanila ang matanda. Di kalaunan ay tumango lang ito ng tipid.






"Jennie got.. raped.."







Tipid na sabi nito.

Saglit silang natigil sa paghinga.

Agad nagdikit ang mga kilay nila pareho ni Lisa dahil sa narinig. Parang nabibingi sila at di pumapasok sa isip nila ang unang sinabi ng matanda.

"W-what.. w-what are you s-saying?" hirap na tanong ni Lisa sa matanda. Pareho nilang naiyukom ang mga kamay nila dahil sa matinding galit na nararamdaman nila ngayon. Pakiramdam nila ay puputok na ang ulo nila sa galit kahit pa hindi pa nila alam ang buong istorya.

"Anong ibig mong sabihin?!" galit na sigaw ni Jisoo and this time di na siya pinigilan ni Lisa.

"Nung dumating noon si Jennie, n-nalaman niyang may mga kumidnap kina Mr. and Mrs. Kim, g-ginawa niya lahat para mahanap ang parents niya, p-para malaman kung sinong dumukot sa mga magulang niya. P-pero nahirapan siya.. wala siyang pinagsabihan dahil tinakot siya ng mga tumatawag sakanya na sasaktan nila ang parents niya kapag humingi siya ng tulong sa kahit kanino lalo na sa mga police.." napa awang nalang ang bibig nila Jisoo at Lisa sa narinig.

Why me?Where stories live. Discover now