Tahimik lang ako habang naka upo at nakatingin sa kisame dito sa dating office ng daddy ko. Naalala ko pa noon na isang beses akong isinama dito ni daddy pero after kong makita kung para saan ang lugar na ito ay never na akong bumalik dito.
Si Bambam naman, siya naman ang pinaka pinagkakatiwalaan ni Daddy.My Dad, he's powerful, hindi lang dahil sa mayaman kami kundi na rin sa mga dating dirty business niya. Natigil lang yon ng pagsabihan ko siya pero alam kong paminsan minsan ay pumupunta pa rin siya dito.
Wala naman akong balak pumunta talaga dito at buhayin ang anumang meron sa lugar na to pero ito lang ang naiisip kong paraan para pigilan si Kai."Mam." pag tawag pansin sakin ni Bambam ng makapasok siya. Napatingin naman ako sakanya.
"Tapos na ba?" I ask.
"Yes Mam. Nailibing din po namin siya ng maayos tulad ng bilin niyo."
"Good, make sure na bibigyan niyo ng tulong ang pamilya niya at makakapag tapos ng pag aaral ang anak niya. Now, gusto ko namang bantayan niyo sina Jisoo, Lisa, Chahee at ofcourse Chaeyoung. Like Hyeri, make sure na safe sila no matter what." bilin ko. If I need to use all of my powers gagawin ko na.
"Consider it done Mam."
"After that, dalhin mo sakin ang mag asawang Kim." if madulas masyado si Kai, parents niya ang gagamitin ko.
"I don't care kung marami silang bantay o kung nasan man sila. Gusto kong dalhin niyo sila dito, asap." alam kong nakikita niya kung gaano ako kaseryoso sa sinasabi ko.
"Okay Mam." Sagot niya sakin. Nakita kong medyo napangiti siya.
"Why are you smilling?"
"Sorry Mam, hindi lang ako sanay na makita kang ganyan. Youre like him, naalala ko lang si Sir sainyo." I smiled. Alam kong parang papa na rin ang turing niya sa daddy ko.
"He's right, kamukha mo siya kapag seryoso ka." pahabol niya pa.
"Yah! Bammy!" Dahil don ay natawa na siya kaya di nag tagal ay tumawa nalang din ako.
Sa tagal na ni Bambam saamin ay halos kapatid na rin ang turing ko sakanya. He's willing to sacrifice his life para samin ni Dad and Mom.
"Welcome back, Jennie." He smiled at me kaya ganon din ang ginawa ko.
"Tingin mo ba magiging katulad ko siya Bam?" I ask him. Yes, gusto kong maging katulad ni Daddy or ng Mommy ko pero when it comes to business lang and shempre kung paano nila ako pinalaki, pero hindi ang gumamit ng dahas.
But, ayaw ko ng maging duwag. Tama si Hyeri, kung matatakot ako baka talagang mawala sila sakin. I need to do this, hindi ko na kakayanin kapag may nangyaring masama sa mga taong mahal ko.
"I dont think so, nakikita ko lang siya sayo pero hindi naman ibig sabihin non ay magiging katulad mo siya." simpleng sagot niya sakin kaya tumango nalang ako.
"Thankyou Bam.. let's go, alam kong inaantay na nila ako. Si Hyeri?" sabi ko sabay tayo para makauwi na kung nasan ang mga mahal ko sa buhay.
"Papunta na po sila sa unit niyo." sagot niya sakin ng pagbuksan niya ako ng pintuan.
"Good, wag mong kalimutan ang bilin ko Bam. Then double security naman sa building okay?" paalala ko ulit sakanya.
"Yes Mam."
--
"You need to eat Chae.. hindi matutuwa si Jennie kapag nalaman niya ang ginagawa mo." sabi ni Jisoo kay Chaeyoung na ngayon ay nakatulala lang. Ilang araw na rin siyang walang tulog at halos hindi makakain dahil sa sobrang pag aalala kay Jennie.