"Be ready cause I'll make sure that you.. Will fall inlove with me.."I blinked 3 times.. no. 5 times!
Just to make sure na tama ang narinig ko? Wait. Baka naman mali lang pagkakaintindi ko?
Oh baka naman dahil to sa nainom ko?"W-what?" Naguguluhan kong tanong kay Chaeyoung na nasa harapan ko ngayon.
"I said.. I'll make sure that you will fall inl-" naputol ang sasabihin ni Chaeyoung ng biglang dumating si Lisa dala ang pagkain niya.
Agad naman sakong bumitaw sa pagkakahawak kamay namin at agad uminom. Nakita ko pang tumingin ng masama si Chaeyoung sakin pero di ko nalang ito pinansin.
"Chaeng! Here's your food." Sabi ni Lisa sabay inilapag ang dalang pagkain para kay Chaeyoung.
"Thanks Lisa." Chaeyoung smiled.
"No problem." Umupo naman si Lisa sa tabi ni Chaeyoung.
"Ahm, Lili? Asan sina Chahee and Jichu?" Tanong ko kay Lisa. Diba halos sabay sabay silang lumabas kanina?
"Oh, pabalik na rin yung mga yon. Ewan ko ba kung bakita wala pa sil- eto na pala sila eh!" Pagkasabi ni Lisa ay sabay namang dating ni Jisoo at Chahee. Parang may pinag uusapan sila kasi mukha silang seryoso, pero nung nakita nila kami sabay din naman silang ngumiti.
Umupo si Chahee sa harapan namin samantalang nag uusap naman si Lisa at Chaeyoung sa tabi ko habang pumipili naman ng kakantahin si Jisoo.
"Pst." Pag tawag sakin ni Chahee. Napa tingin naman ako sakanya kaya tinapik niya ang tabi niyang upuan. Napa ngiti naman ako bago tumayo at umupo sa tabi niya.
Bale kaharap ko si Chaeyoung samantalang si Lisa naman ang kaharap ni Chahee."Busy ka ata sa phone mo ah?" Bulong niya sakin.
"May nilalaro kasi ako, mukha ngang matatalo ako." Sagot ko sakanya ng naka nguso. Narinig ko siyang tumawa kaya natawa nalang din ako.
"Dapat kasi nagpatulong ka sakin. Alam mo namang expert ako sa games ah." Sabay inakbayan niya ako.
Wait. Nasabi ko na bang may kayabangan din tong si Chahee? Hahaha.
Napa tingin naman ako kay Chaeyoung na nakikipag usap kay Lisa nang maramdamang sinisipa nanaman niya ang paa ko sa ilalim ng lamesa. Ang hilig niyang gawin to no? Di kaya ako magka fracture sa paa nito?
Hindi ko nalang sana papansinin pero medyo napa tayo ako ng maramdamang gumapang ang paa niya paakyat sa legs ko. Like tf?!
"Hey.. bakit may problema ba?" Biglang tanong sakin ni Chahee dahil napatayo ako.
"W-wala hehe.." sagot ko kay Chahee sabay tinapunan ng masamang tingin si Chaeyoung na ngayon ay naka smirk sakin. This girl, ano nanaman kayang problema nito.
Ang galing niyang umakto na parang wala siyang ginagawa sa ilalim ng lamesa tsk.
Bumalik naman ako sa pagkakaupo at nagpatuloy makipag kwentuhan kay Chahee. Maya maya lang ay naka tanggap ako ng text message mula kay Chaeyoung.
"Hands off.. don't let that girl na akbayan ka."
Kumabog naman ang dibdib ko sa nabasa ko. Bakit siya ganito umakto ngayon?
"You okay?" Tanong ni Chahee sakin sabay hawak sa kamay ko kaya agad ko namang binitawan ang phone ko at inilapag sa lamesa.
"Ahm.. w-wala naman. Saan na nga ba tayo?" Pag iiba ko ng usapan. Di ko alam kung anong ginagawa ni Chaeyoung ngayon, baka naman lasing na to? Tanong ko sa sarili ko.
Maya maya lang ay nag beep nanaman ang phone ko. Isang text message nanaman galing kay Chaeyoung.
"Don't make me pissed, Jennie Kim.. I'm warning you."