One week later after going home from the US of A...
Oo, isang linggo na ang nakalipas mula nang sunduin ako nila Kuya Marcus sa NAIA. Isang linggo na rin akong nakatambay sa loob ng bahay at nagmumukmok dahil wala akong makasamang mamasyal.
Namiss ko rin naman ang Pilipinas kahit papaano. Sa US ko kasi tinatapos ang high school studies ko. I am with my mom, while si dad nandito sa Pinas, kasama ni Kuya Marcus. Kapag special occasions, like Christmas and New Year, sila Dad ang pumupunta sa amin sa US. Then we'll spent summer vacation here. Kaso tag-ulan ang summer vacation ko dito.
Hindi ko kasama si Mommy umuwi ngayon dahil nagkaproblema sa isang branch ng company namin sa Seattle na reason din kung bakit pumunta dun si Daddy. Kaya solo flight ang unica hija nila ngayon sa magara nilang bahay.
At ngayon nga nandito pa rin ako nakahilata sa malambot kong kama. Tinatamad pa akong bumangon. Napainat pa ako ng katawan at muling nagtalukbong ng kumot. Wala naman akong pasok kaya keri lang.
Napainat na lang uli ako at nagdesisyon nang bumangon sa higaan. Tinignan ko ang orasan at nakitang may mga number dun.
Baliw.
Napangiwi ako nang pakiramdamdam ko binulong yun ni Kuya Marcus. Ang kontrabida sa lovelife ko pero mahal ko.
Very contradicting.
Napailing iling na lang ako habang pumapasok sa banyo para maligo. Totoo yata kuya ko. Baliw na ako.
Baliw sa Mateo ko.
Napabungisngis na lang ako sa sarili ko. Abnormal talaga si Kuya Marcus.
Itinuloy ko na lang ang paliligo bago pa ako tuluyang mabaliw. Nadadamay pa kapatid kong walang kamalay-malay. Epekto siguro ito ng boredom sa pagiging taong bahay.
After taking a bath, dumiretso na ako sa kusina para mag-almusal.
"Good morning po, Ma'am Gabrielle," bati sa akin ng isa naming kasambahay.
"Hala, si ate. Hindi naman ako teacher," sagot ko habang natatawa na lang sa itinawag sa akin nung kasambahay palibhasa bago pa lang ito sa bahay nila kaya ganun.
Kakausapin ko pa sana yung kasambahay namin nang may hampaslupang gwapo na gumulo ng buhok ko.
"Morning, little sis," bati ni Kuya Marcus.
Sinamaan ko lang sya nang tingin at napaisip.
"Bakit nandito ka pa Kuya?," tanong ko sa kanya. Tanghali na kasi at dapat nasa office na sya ngayon.
Tinaasan lang nya ako ng kilay at naglagay ng pagkain sa plato nya. Tumingin sya sa kinakain ko at tumayo.
Tinuloy ko na lang pagkain ko, baka mahawahan pa ako ni kuya sa kaabnormalan nya.
Muntik na akong mapatili sa gulat nang mapaso sa baso na dumikit sa braso ko.
"Sweet ka na sana kuya e!," reklamo ko kay kuya habang hinihimas ko yung braso kong napaso sa baso ng gatas na itinimpla ng kapatid kong tatawa tawa lang.
Napasimangot na lang ako at tiningnan yung braso kong namumula nang kaunti.
"Does it hurt?" at nagtanong pa talaga ang kuya kong magaling. Pero nakita ko yung pag-aalala sa mukha nya.
Inismiran ko lang sya at itinuloy ang pagkain. Imbes na bumalik sa upuan, tumabi sa akin si kuya at tinignan yung braso kong pinaso nya ng baso.
"I'm sorry," mahina nitong sabi. Napatingin ako sa kanya at nakitang nakangisi ito. Huli na para umiwas. Napisil na nya ang pisngi ko. "Arte, maligamgam na tubig ginamit ko sa pagtimpla ng gatas mo." Tinampal pa nya ang braso ko bago bumalik sa pwesto nya kanina.
![](https://img.wattpad.com/cover/236581621-288-k996657.jpg)
BINABASA MO ANG
Love between a Man and a Kid
RomanceA cliché story of a man falling in love with his bestfriend's little sister. Not a problem for some, I guess. But this sister of his is way, way younger than us. A 3-year gap is fine. 5 years? Maybe a bit okay. But 10 years?! It never occurred to me...