"Kuyaaa!!!," sigaw ko habang kumakaway nang matanaw ko sya sa may waiting area ng airport na napapangiwi na lang na kumaway pabalik sa akin.
Tinakbo ko na ang distansya namin para makalapit na 'ko nang tuluyan.
"Kuyaaa!!," sigaw ko uli habang yumayakap ang mga braso ko sa kanya.
"D*mn, you're still loud!," reklamo ni kuya. He hugged me back while dropping a kiss on my head.
"Che, alam ko namang namiss mo ang kaingayan ko," sagot ko naman while searching the crowd.
"Nasa parking lot," sabi ni kuya nang mapansin ang paggala ng mga mata ko.
"Huh? Ang alin kuya?," patay malisya kong tanong.
"Tsk, sino Gabrielle, sino, hindi alin," sagot pa ni kuya habang iginigiya na kong lumakad palabas ng airport.
"Luh, sino daw,"maang-maangan ko pang sagot habang sumasabay sa mabilis na paglalakad nya.
Mukhang may lakad si kuya kaya nagmamadali. Nakakapagod talagang sumabay ng paglalakad dito.
Napapabuntong hininga na lang ako habang sumasabay kay kuya nang mamataan ko ang isang gwapong mama na nakasandal sa katawan ng kotse.
Parang slow motion, bumagal ang paglalakad ko habang nakikipagtitigan sa mga mata nito. Then slowly his lips broke into a smile and I lost it.
I felt my face burning. At parang may mga bulateng nagwawala sa tyan ko. Parang gusto kong tumili kaya sinigaw ko na lang pangalan nya.
"Mateo Doooo!!!," sigaw ko then run towards his waiting arms.
I hugged him tight like my usual hug to him, ung worth a thousand years, charot.
He hugged me tighter like he missed me big time. In my dreams."Hey, kiddo," bati nya with matching panggugulo sa buhok ko. As always.
I pouted with his act as I fixed my hair while glaring at him.
He just laughed it off and helped me fix my hair by combing it with his fingers.And there again, I had the chance to look at his face. He stopped laughing already and only a handsome smile plastered on his face.
And so the staring contest begins na hindi naman nagtagal since my dearest brother, na hindi ko na napansin, butted in.
"Hey, Matt," agaw pansin nito sa kaibigan nya,"let's get going. Siguradong lalong nagutom ang anaconda sa tyan ng batang yan," sabi nya na pinagdiinan pa talaga ung word na bata na ikinasimangot ko.
Tumawa lang si Kuya Matt at kumilos na para makasakay na kaming lahat sa kotse nya.
As usual, sya ang nasa driver's seat, then katabi si brother dear at ako sa backseat."Seatbelt, kiddo."
Narinig kong sabi ni Kuya Matt, kaya napatingin ako sa kanya pagkaupo ko pa lang. Napasimangot lalo ako sa narinig at bubulong bulong na ikinabit ang seatbelt sa katawan ko."Gabby," tawag sa akin ni Kuya Marcus kaya kunot-noo akong napatingin sa kanya, "stop cursing."
"Wha—I'm not cursing," I said defensively. Hindi naman talaga kasi. "Luh, si Kuya, bintangero ka,"dagdag ko pang sabi with matching irap.
Napatingin ako sa driver's seat at nakita yung future husband ko-charot, na napapangiti't napapailing na lang sa pangtitrip ng mahal kong kapatid.
"Hindi ba? I thought you are, since bulong ka nang bulong dyan," masungit pa nyang sabi. Pero yung mukha nya, mukhang di gagawa nang mabuti.
"Hindi naman talaga," tanggi ko, "tanong mo pa kay Mateo Deo."
Napatingin naman si Kuya Marcus sa gawi ni Kuya Matt. Yung tingin na nagpapakampi dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/236581621-288-k996657.jpg)
BINABASA MO ANG
Love between a Man and a Kid
Roman d'amourA cliché story of a man falling in love with his bestfriend's little sister. Not a problem for some, I guess. But this sister of his is way, way younger than us. A 3-year gap is fine. 5 years? Maybe a bit okay. But 10 years?! It never occurred to me...