"By the way, Gabby," pukaw ni Dad sa atensyon ko. "Since nandito naman pala si Matt, nagvolunteer syang samahan ka sa pag-eenrol bukas sa school mo."
Napatingin ako bigla kay Daddy dahil sa sinabi nito.
"But Dad, I think he needs to rest more," sabi ko na halata sa boses ang pagtanggi. "Kararating lang ni Mattheus kaninang umaga, di ba?", paalala ko kila Daddy sabay tingin kay Matt na nakatitig lang sa akin. I tried convincing him using my eyes and I almost sighed in relief when he smiled in return.
But my heart sank when he opened his mouth.
"It's okay, actually," sabi ni Matt habang nakatingin sa akin. "I can drive you to your school", dagdag pa nito.
Nag-aalangan akong tumingin dito at pagkatapos sa parents ko. Ready na ako uling tumanggi nang magsalita si Mommy.
"Ano bang problema, Gabby?," tanong ni Mom na ikinatikom ng bibig ko. "May inililihim ka ba sa amin ng Daddy mo?", tanong ni Mom na hindi ko na nasagot dahil sa susunod nitong sinabi. "Ow-em-gee, 'nak, magkikita ba kayo ng secret boyfriend mo?!", exaggerated na sabi ni Mommy.
Nanlalaki ang mga mata ko sa mga pinagsasabi ni Mommy. Di ko tuloy malaman kung paano sasagutin at itatanggi ang sinabi nito.
"Not again, Claire," saway ni Dad kay Mommy.
"What?," natatawa pang tanong ni Mommy na ikinailing na lang ni Dad.
I just opened and closed my mouth in attempt of defending myself, and defeatedly looked at Matt's direction.
Nakakunot noo ito at kitang kita ang pagkakasimangot.
"Is that why you leave in a haste?," tanong ni Mattheus habang salubong ang kilay at nakatitig sa akin.
My eyes widened with what he said. He can't actually believed what my Mom said, can he?
"Of course not!," tanggi kong sagot sa tanong nito. Napatikom ang bibig ko nang marinig ang pagtikhim ni Dad.
Napatungo na lang ako nang marealize na medyo tumaas ang boses ko."I-I'm sorry. I didn't mean to shout," I said in a low voice then puffed my face after.
"Apology accepted," sabi ni Mommy. "So, Matt, ikaw na bahala sa unica hija namin bukas." Bakas ang galak sa boses nito.
And that ended our conversation last night.
At ngayon nga, kahit kulang ako sa tulog, bumangon agad ako para makapag-ayos nang maaga.
Nagpunta ako ng kusina para sana mag-agahan na nang may magsalita sa likuran ko.
"Good morning," bati ng napakapamilyar na boses sa likuran ko.
Lumingon ako para sana batiin din ito, pero parang umurong ang dila ko nang matitigan ang gwapo nitong mukha.
Hindi na ako nagulat nang makita si Matt sa bahay nang ganito kaaga. Malamang sa malamang ininvite ito ni Mommy na dito na sa bahay magpalipas ng gabi since masyado nang late kagabi nang matapos silang mag-usap tungkol sa kung anu-ano lang.
Preskong presko ang pormahan nitong simpleng asul na polo shirt at maong pants. Medyo basa pa din ang buhok nito at amoy na amoy ang ginamit nitong after shave cologne.
Nakangiti lang ito habang pinapanood akong nakatitig dito at mukhang nag-aabang ng isasagot ko.
I cleared my throat as I realized how I am embarrassing myself in front of this man.
"Good morning din, Matt," ganting bati ko at ngumiti pabalik dito. Nagpasalamat ako sa isip ko dahil hindi ako nagstammer. Dagdag kahihiyan na naman 'yun kung sakali.
![](https://img.wattpad.com/cover/236581621-288-k996657.jpg)
BINABASA MO ANG
Love between a Man and a Kid
RomanceA cliché story of a man falling in love with his bestfriend's little sister. Not a problem for some, I guess. But this sister of his is way, way younger than us. A 3-year gap is fine. 5 years? Maybe a bit okay. But 10 years?! It never occurred to me...