Chapter 8

81 8 2
                                    

Spell awkward...

Baka pangalan ko ang mai-spell.

We're having a super, duper, very late dinner. As my brother insisted on the phone, hinintay nya talaga ako dumating para kumain. Tapos ngayon ang sama-sama ng tingin nya sa akin. Pwede namang hindi nya ko hintayin.

Napasimangot na lang ako sa naiisip habang kumakain.

"Pinopormahan ka ba nung lalaking kasama mo kanina?," tanong ni Kuya Marcus. Halos magdikit na mga kilay nito sa pagkakasalubong. Pati tuloy yung iba naming kasama sa mesa nakatingin sa akin at nag-aabang din sa isasagot ko.

Bumuntong hininga muna ako bago ko sinagot ang tanong ni Kuya Marcus.

"No, kuya," sagot ko.

"Then what's with those pictures?,"follow up pang tanong ni Kuya na nagpakunot sa noo ko.

"Anong pictures?" tanong ko rito.

Nagkatinginan naman yung mga kasalo kong barako sa hapunan.

"Here."

Feeling ko kinilabutan ako sa lamig nang marinig ang boses na yun. Napalingon kaming lahat kay Matt na hawak ang phone nya na nakaharap sa'kin.

"Naks, naman bro, iniscreen shot mo talaga?," pansin ni Lucas na di ko sure kung nang-aasar o ano. Tinawanan lang naman ito nila Rafael at Peter.

"Seriously?," my brother murmured while looking at Matt.

"What? That's for future reference," Matt said still holding his phone in front of me.

Nakita ko tuloy nang malinaw yung pictures na tinutukoy nila.

"Ah, iyan ba? Lahat naman kami may shot with him," sabi ko pa at ipinagpatuloy ang pagkain. Napatigil lang ako sa pagsubo nang mapansin na nakatitig lang sila sa akin. Tinignan ko sila nang may pagtataka.

"That's all?," tanong ni Matt na sinagot ko ng tango habang nginunguya ang pagkain sa bibig ko.

"Uh-huh," sagot ko dito, "and I don't think na seryoso sya nung tinanong nya ko kung pwedeng manligaw," balewala kong sabi habang pinagpapatuloy ang pagkain.

Naramdaman ko na naman yung feeling na nagpapakiramdaman ang mga barakong 'to sa paligid ko.

Ang wiwirdo talaga ng mga 'to.

"Basta timbrehan mo na lang kami kapag tinotoo nung lalaking yun yung panliligaw sayo," si Lucas na nakangisi habang nakatingin kay Matt.

"Para ka namang member ng gang, lakas maka-timbre, bro," komento ni Peter sabay tawa nang malakas.

"Sa ating dalawa, ikaw ang mas mapagkakamalang gang member," sagot pa ni Lucas na ikinatawa ko na rin. Ang laking tao kasi ni Peter.

"Manahimik na kayo at hindi na natutuwa yung dalawa jan," saway ni Rafael sa mga ito.

Napatingin tuloy ako kila Kuya Marcus at Matt na nananahimik lang habang nakamasid sa mga kaibigan. Muntik pa akong malaglag mula sa upuan ko nang biglang tumingin si Matt sa akin.

"B-bakit?,"nautal pa ko nang tanungin ko si Matt. Nakakunot noo ito at titig na titig sa akin.

"Nothing,"sagot nito at ibinaling na ang atensyon sa pagkain.

Napasimangot na lang ako sa itinugon nito at di na umimik. Hinayaan ko na lang magkwentuhan ang mga kaibigan ni Kuya Marcus at tinapos na ang pagkain.

Nililigpit ko na ang pinagkainan ko nang balingan ako ni Matt.

"You're done already?,"tanong nito habang pinapanood akong magligpit ng pinagkainan ko.

Love between a Man and a KidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon