Magdamag nakatambay lang ako sa reading nook ko simula nung paggising ko kaninang umaga. I just took my breakfast, actually brunch na yun kasi late na akong nagising. Masyado akong napagod sa pagsakay sa mga rides sa Sky Ranch.
That was my first time in that place. Kaso hindi namin nalibot at nasakyan lahat ng rides dahil late na rin kami nakarating doon. Pero sulit naman kahit papaano. Natanggal ang boredom ko.
Bakit kasi hindi ko mahagilap mga elementary friend ko?
I logged in to my Facebook account and posted our pictures that we took yesterday. Sa sobrang pagod ko kagabi, nakalimutan ko nang mag-update sa soc media accounts ko. After sa Facebook, sinunod ko naman i-logged in ang IG account ko and posted the same pics.
After some minutes, I saw a comment from one of my elementary friends.
miapot: @mywingedman huy, Gabe nasa Pinas ka pala?
Nireplyan ko naman si Mia.
mywingedman: @miapot yeah, one week ago pa. kumusta?
miapot: @mywingedman hala one week ago pa? Ang daya hindi ka man lang nagsabi. Teka, mag-DM na lang ako ;)
And with that, nag-usap at nagkumustahan kami tungkol sa mga buhay buhay namin pati na rin ang iba naming friends. It's a good thing na bonded pa rin ang friendship namin kahit na matagal kaming hindi nakapag-usap. Bihira din kasi akong mag-open ng soc media accounts ko. Focus lang ako sa studies para sa pag-unlad ng Pilipinas. Char.
miapot: ano, g ka?
Tanong ni Mia sa akin na nagpakunot sa noo ko.
mywingedman: huh? anong g?
Clueless kong tanong dito. Since bihira nga akong mag-online, hindi ko talaga alam ang meaning nun?
miapot: hahaha, g as in GO.
mywingedman: ahhh...hahaha, yun pala yun. I'll ask Kuya Marcus first. Baka hindi ako payagan e.
miapot: hala, oo nga pala.. medyo strict si Kuya Pogi. Gusto mo ipaalam kita?
mywingedman: hindi na..ako na lang, mas gusto nun na ako mismo magsabi sa kanya. Hehe
After chatting with her, nagdecide akong tawagan si Kuya Marcus. Tinignan ko muna yung wall clock kung hindi ba alanganin ang oras para kausapin, baka kasi may meeting sya or something.
Dinial ko yung number nya and after three rings, narinig ko na boses ni Kuya.
"O?"
Galing sumagot ng Kuya ko, no?
"Hello din sayo, Kuya,"sagot ko sa kanya.
"Hello, o ano masaya ka na?,"sagot nito sa kabilang linya.
"Napaka-sweet mo talaga kahit kailan," I sweetly said pero sana narinig nya yung sarcasm sa boses.
"I know, right,"tugon nito, "but sarcasm doesn't suit you. Why did you call?"
Hindi ko na lang pinansin yung una nitong sinabi para hindi na umabot sa bangayan na naman.
"Remember Mia?," tanong ko dito na ikinatahimik sa kabilang linya. "Yung friend ko since kinder," dagdag kong sabi para maalala nito.
"Ah, yung kulot na may crush sa akin?,"nang-aasar nitong sagot.
"Tama ka dun sa part na kulot," sabi ko, "pero hindi ka crush nun," paglilinaw ko dito habang natatawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/236581621-288-k996657.jpg)
BINABASA MO ANG
Love between a Man and a Kid
RomanceA cliché story of a man falling in love with his bestfriend's little sister. Not a problem for some, I guess. But this sister of his is way, way younger than us. A 3-year gap is fine. 5 years? Maybe a bit okay. But 10 years?! It never occurred to me...