"Huy," at isang tapik sa noo ang nagpagising sa nananaginip kong diwa.
Tumingala ako at sinamaan ng tingin ang taong gumambala sa pangangarap ko.
"O, bakit ang sama ng tingin mo? Lalaban ka na?," sabi ng napakagwapo kong kuya na nakataas pa ang dalawang kilay.
Napaismid na lang ako at tamad na tamad na tumalungko sa dining table.
"Umayos ka nga," saway nito na ikinaayos ko naman ng upo. "Nasa harap ka ng pagkain."
Nagpatuloy na ito sa pagkain habang patingin tingin sa akin. Di ko naman maiwasang matulala sa harap ng kinakain ko. Kaya nagulat pa ako nang ibagsak ni Kuya Marcus ang dalawang kamay sa lamesa, dahilan para bumalik ako sa huwisyo. Napakurap kurap pa ang mga mata ko habang nakatingin kay Kuya Marcus.
"Did something happen?," seryosong tanong ni Kuya Marcus. Nag-e-English na ito, kaya siguradong seryoso na si Kuya.
Feeling ko namula ang buong mukha ko nang maalala ung dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Hindi ako makasagot sa tanong ni Kuya Marcus. Siguradong katakot takot na sermon ang aabutin ko. Pero iba yung mas inaalala ko kapag nalaman nya yung nangyari. Kaya napatingin na lang ako dito at wala sa sariling nakagat ang pang-ibabang labi ko.
Lagot ako...
Unti-unti kong nakita ang pagkunot lalo ng noo ni Kuya Marcus. It seems like a storm is brewing if you look on his face.
Nakakatakot...
"K-kuya...," umpisa ko sabay basa sa namumutla ko na yatang labi. Bumuntong hininga ako bago muling magsalita. "A-I t-think, I-ahm...," napapalunok ako ng laway habang nakikita kong unti-unting naniningkit ang mga mata ni Kuya Marcus. "I'm---"
"What the h*ll, Gabrielle?!," sigaw ni Kuya Marcus na nagpapitlag sa akin. Pakiramdam ko lumabas ang kaluluwa ko sa sobrang gulat. Hindi ko na tuloy nadugtungan ang sasabihin ko.
Tumayo ito at nagpapalakad lakad sa pwesto nya. Parang problemadong problemado ito at gigil na gigil na bumubulong.
Ibubuka ko na sana ang bibig ko para magsalita pero tinaas lang ni Kuya Marcus ang kanang kamay nya.
"Stop. Don't you dare say anything, Gabrielle."Nakaharap sa akin ang palad nito para pahintuin ako sa kung anuman ang sasabihin. Tumigil na rin ito sa pagpapalakad lakad at ngayon ay nakatingin lang sa akin.
"I can't believe this," naiiling na bulong nito sa sarili habang minamasahe ng isang kamay ang noo.
"Kuya...,"mahina kong tawag kay Kuya Marcus. Narinig ko ang sobrang lalim ng hininga nito at malamlam ang mga mata na tumingin sa akin.
"Gabby," sabi nito at tumabi sa kinauupuan ko. Pinagsalikop nito ang mga kamay namin at tinitigan ako. "Don't worry, I'll help you in telling Mom and Dad," seryoso nitong sabi.
Napapikit pikit pa ako at tuluyan nang ngumiti sa narinig na suporta kay Kuya Marcus.
I don't know what's happening exactly in his mind, pero knowing na tutulungan ako ng kapatid ko, I should be glad in accepting his help. Feeling ko magiging maayos ang lahat."I should tell Matt about this,"sabi ni Kuya na nagpabalik ng atensyon ko dito.
Tumayo ito pagkasabi n'on at umalis sa kinauupuan.
"Anong kinalaman ni Matt dito?," kunot-noong tanong ko kay Kuya na kinukuha na ang phone nya para tawagan si Matt.
Tumingin lang sa akin si Kuya Marcus at dire-diretsong lumabas ng dining area.
Susundan ko na sana sya nang bumungad uli ito sa pinto.
BINABASA MO ANG
Love between a Man and a Kid
RomanceA cliché story of a man falling in love with his bestfriend's little sister. Not a problem for some, I guess. But this sister of his is way, way younger than us. A 3-year gap is fine. 5 years? Maybe a bit okay. But 10 years?! It never occurred to me...